Chelsea POV
Nakaakyat na kami dito ni Kyle sa floor kung saan narito ang kwarto namin. Si Kyle kasi masyadong excited na gawin ulit 'yun' Psh. Adik na.
Papalapit na kami sa may kwarto namin nang may marinig akong ingay. Ano ba yun?
"MOMMMMMMMYYYY!!! AAHHH!"
Sigaw ni Chylee yun. Napatakbo kami ni Kyle papunta sa kwarto namin at agad-agad yung binuksan. Naabutan namin si Chylee na lumulundag-lundag sa kama habang umiiyak. Si Skyler..?
O_O
Sa sahig natutulog. Sigurado nahulog yan. Ganyan kasi yan. Tulog-mantika. Kahit nahulog na 'di pa nararamdaman. Buti nalang at may carpet. Nilapitan ni Kyle si Sky at binuhat. Ako naman kay Chy. "Why baby?" Tanong ko habang pinupunasan yung luha nya sa pisngi.
Agad syang yumakap sa'kin. "Mom, I told you don't leave.." She sob. "Bad Mom!"
Ayan na. Sinusumpong. Masama din 'to 'pag tinopak. Diba may mga batang 'pag masama ang gising, sinusumpong. Si Chy nagagalit yan sa'kin 'pag sinusumpong. Sinasabihan nya talaga akong bad.
"Sorry na baby. Umalis lang sandali kami ni Daddy. Andito naman si Sky 'diba?" Sabi ko. Naglalambing na'ko para um-okay na yung mood nya.
"I want you mom. I'm afraid you and daddy will make a new baby. *sob* Don't go anywhere with daddy alone."
O_O
Paktay. Napatingin ako kay Kyle na buhat pa din si Sky. Tahimik lang yan dahil ayaw nyan magising si Sky. Pero base sa mukha nya, mukhang disappointed. Hindi kasi matutuloy yung..alam nyo na. Haha. "Gummy bear.." Sambit ko.
"It's fine. Some other time. Wala akong laban kay Chy." Sabi ni Kyle. Totoo ang sinabi nya. Wala syang laban. Si Chy pa, spoiled brat yan. Lahat dapat nasusunod.
BINABASA MO ANG
MPMMN 3: Together Forever
Teen FictionMR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014