Chelsea POV
Ilang araw na ang lumipas. As usual, araw-araw gan'on ang routine dito sa mansyon. Papasok si Kyle sa kompanya tapos maiiwan ako dito sa mansyon kasama ang kambal. Ako na naman ang palaging uma-ani ng kakulitan nila. Haha. Kahit matalino ako, ehem! Nalulugaw pa din ang utak ko kay Sky. Nasobrahan kasi ng katalinuhan.
Sabagay, malapit na naman kasi sila mag-6years old. One month to go. Then after that, napag-decide namin ni Kyle na papasukin na sila sa SWU bilang prep students.
Linggo ngayon. At kapag sunday, alam na this! Family day. Minsan barkada day pa kasi laging may pumupunta dito sa mansyon na tigers kapag sunday.
Nag-aayos nga pala ako dito sa kwarto. Kakatapos ko lang maligo. Si Kyle ka-bonding ang kambal sa salas.
Now I'm done, lumabas na'ko ng kwarto at pumuntang salas.
O_O
Naabutan ko ang mag-a-ama na abala sa panonood ng spongebob cartoons sa malaking screen ng TV.
"Hahahahaha!" Tawa ni Kyle.
"I get it! I get it!" Sigaw ni Sky.
"Dad, bakit kayo tumatawa ni Sky, hindi ko'po na-gets yung joke ni spongebob."
Haha. Gusto kong matawa kay Chylee. Sabi ko naman, siya ay pambansang megaphone lang. Si Sky lang ang sinabi kong pinaglihi sa encyclopedia.
"Oh, mom!" Tumakbo sa'kin si Chylee nang makita nya ako. Nakatalikod kasi yung couch na inuupuan nila sa pwesto ko. Napatingin na din sa'kin si Kyle at Skyler.
Yumakap si Chy sa'kin kaya binuhat ko na sya papalapit kina Kyle. Then umupo ako sa tabi nya.
"Mommy, ang bango bango mo.." Sabi ni Chy na inaamoy-amoy pa'ko.
Natawa ako. "Thank you baby. Mabango ka din naman. Right? Kakapaligo lang sa'yo ni Yaya?" Sabi ko. May yaya naman kasi sila na taga-paligo nila at taga-alaga 'pag wala ako or may ginagawa ako. Yun nga lang, hindi full time Yaya sa kambal kasi 'di daw nila kaya. Mas pipiliin nalang daw nilang maglaba ng ga-tambak na damit kesa alagaan ang kambal. Why? Haha.
"Baby ko tara muna sa kwarto." Bulong ni Kyle sa'kin. Tiningnan ko agad siya ng confused llok.
"Daddy I know what you're thinking. You wanna make a baby with mom." Sabi ni Sky na narinig pala yung bulong ni Kyle saka tumingin sa'kin. "So Mom, don't go wtih dad."
Itsura ni Kyle ~__~
Haha. Ano ka ngayon Kyle. Di ka makaporma sa anak mo. "Okay baby Sky." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
MPMMN 3: Together Forever
Roman pour AdolescentsMR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014