Chelsea POV
"HAHAHAHAHA!"
"Waaa!"
"Yaaa! Ish-tapppp!"
Mataman akong nakatingin sa tatlong chikiting na naghahabulan. Mga bulol pa. Palibhasa three years old palang.
"AHHHHHHHHHH! Enzo, Kenzo, Renzo! Stop it!"
=___=
Hindi na nakatiis ang Ate nilang si Chylee na abala sa paggawa ng homework nya.
Who's that kids? Oh well, three years ago, nanganak lang naman ako ng triplets. Last na yun! Grabe ang hirap manganak ha? Tatlong lalaki yan. Geez. Dinaig ko pa ang baboy kung manganak. Tapos nagtataka na ako kasi una kambal tapos sunod triplet? Aba matinde ang genes ni Kyle.
And then, we found out na, sa great great grandmother pala ni Kyle, dun namana yung ganito. So ayun. Nagpatali na ako. Hindi ko na kayang manganak. Dalawang beses lang akong umire, lima agad ang anak namin. Jusko!
"Kids, stop na. Naaabala nyo na si Ate." Saway ko sa triplets.
Nagtakbuhan sila saken.
"Mommmmyyy!"
"Gayit na shi ate.."
"Shabi ko ish-tap na eh!"
Hahaha. Nakkatuwa ang triplets. Mga buyoy pa. Haha. I mean, bulol. Ang hirap mag-isip ng pangalan kaya, naisip nalang namin ay yung magkakatunog. Grabe naman kasi.
Si Enzo--may nunal sa bandang ilong. Maliit lang naman.
Si Kenzo--may nunal sa may sentido. Sa may tapat ng utak.
Then si Renzo--may nunal sa baba.
Ang hirap nila i-distinguished lalo na kung first time mo lang silang mami-meet. Yung Tigers nga hanggang ngayon nagkakamali pa din. Bukod kasi sa pareho sila ng skin color, pareho din ng buhok, at..hm, oh! Sa height lang sila medyo nagkaiba. May mas matangkad ng konti. May mas maliit.
Pero kami ni Kyle, never kaming nalito sa triplets. Syempre, parents eh. Saka kami ang nagpalaki eh.
Si Kyle? Ayun. Siya na ang nasa top one na may-ari ng largest company sa buong asia. Pero kahit ganon, nakakatuwa lang na hindi siya nawawalan ng time for us--his family.
"Tch. Let them play Chylee. They are kids. Ikaw nga na eleven years old na, gusto pang makipaglaro kay Prince Miko."
=___=
Ano? Walang papalag sa pinaka-kuya. Si skyler the great! Haha. Oh, I'm proud to say na na-accelerate sya. Hindi na siya nag-pre-school. Pa'no ba naman kasi marunong pa sya sa teacher niya. Kaya ayun six years old, elementary na agad sya. Si Chylee, hindi kaya mas ahead si Skyler. Matured na mag-isip kahit eleven years old lang.
"Yaaaa! Mom..si Skyler oh.." Nagngingitngit si Chylee. Totoo kasi. Nakikipaglaro pa yan kay Miko--anak nina Yumiko at Lance.
"Kuyyyyaaa!" Sigaw ni Enzo.
Sumunod si Kenzo. "Tsuruan moko magyaro ng eks..eks.."
"XBOX." Pagtatama ni Skyler saka bahagyang ginulo ang buhok ni Kenzo.
Mas close ang triplets kay Skyler. Palibahasa, boys eh. Nag-iisang prinsesa lang talaga namin si Chylee.
"Yeeeyyy! Acho nyaman. Kuyyaaa! Gushto ko shelpi!" Sabi naman ni Renzo.
Natatawa lang si Skyler habang inaatupag ang triplets. Si Renzo, shelpi---este selfie king na agad yan. Ke-bata-bata pa. Marunong na syang magpindot ng button ng camera sa iPad ni Skyler. He-he.
BINABASA MO ANG
MPMMN 3: Together Forever
Teen FictionMR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014