Chapter 28 ♥ Guilty

430K 8K 967
                                    

Kyle POV

Damn it. I can't understand them. Masama bang disiplinahin ko ang kambal? Namimihasa na sila ng ganon. Parang walang galang. Hindi pu-pwede yun. 

Aaminin ko, ako ang nagluto ng breakfast namin. Wala ding alam ang asawa ko tungkol dito pero hindi man lang nila na-appreciate, pinulaan pa ng anak ko. Tch. Nag-e-effort ako sa kanila bilang padre de pamilya pero nabalewala lang ang effort ko. 

Ngayon, wala. Galit sila. Fvck. 

Tumayo ako saka umakyat sa kwarto namin. Inaalo ni Chelsea ang kambal na umiiyak. Damn it! Tapos ngayon makakaramdam ako ng awa sa kambal. No. They should learned from their mistakes. Kung hindi man ako ang nagluto nun, mali pa din eh. Dapat lahat ng meron tayo, ina-appreciate natin. Dahil may ibang tao na hindi man lang nakakahawak ng kung anong meron tayong may kaya sa buhay. Tch. 

Masyado kong na-spoil ang kambal. But this is the right time na idisiplina na sila. Lumalala na ang bad attitudes nila. Ayokong lumaki silang ganon. Ayokong lumaki silang katulad ko na walang galang at masyadong harsh. Tama ng ako yung ganon. Isa pa, nagbago na'ko. At ang resulta ng pagbabago ko? Ito. Masayang pamilya. 

Pumasok ako sa kwarto ni Chylee kung saan naroon sila. "Kids." Panimula ko. "Mali ako na sigawan kayo but it doesn't mean na galit ako. I mean, pinagsasabihan ko lang kayo dahil mali ang ginawa mo Chylee. Tama ba yung pulaan mo ang pagkain?"

Hindi sila sumagot. Tch. Si Chelsea tumayo na at humarap sa'kin. 

"Wag mo munang kausapin ang kambal. Medyo na-shocked pa sya dahil first time mo silang sigawan."

Tch. Ako talaga ang mali? Damn it. I know my fault pero bakit pati mismong asawa ko, galit din sakin? Hindi rin ba niya maintindihan yung pag-di-disiplina ko sa kambal?

Sa halip na sagutin si Chelsea, tumalikod nako saka lumabas ng pinto. Ako pa ang nagmumukhang mali. Mali ba talaga ang ginawa ko? Tch. 

Dumiretso ako sa kwarto naming mag-asawa. Dumapa ako sa kama. 

Krrrrinnnggg..

Tch kung kelan namang wala ako sa mood oh. Dinukot ko phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko habang nakadapa pa din ako. 

[Sir ready na po ang pina-ayos niyong ticket na trip to Europe. Ipapadala ko po ba dyan sa mansyon o dito nalang po sa office?]

Damn. Secretary ko. Nagpaayos kasi ako ng ticket. Surpirse ko sana sa mag-iina ko. Trip to Europe. Nagfile na rin ako leave. 

"Dyan nalang sa office. I'm busy today. Don't call me." Sabi ko saka pinatay na ang phone ko. Wala ako sa mood. 

Naging mabuting ama naman ako, I guess? Ginagawa ko ang lahat para mapasaya ang pamilya ko pero bakit pakiramdam ko, wala? Yung wala akong nagawang tama? Nasita ko lang ng isang beses, parang ang sama-sama ko ng ama o asawa. Tch. 

MPMMN 3: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon