Six years ago..
"It's a boy and a girl! Wonderful twins." Nakangiting sabi ng Papa ko habang nakatingin kami sa incubator.
Nakasakay pa ako sa wheel chair. Hindi ko maitago yung lungkot saken. Bakit? Dahil ilang oras pagkatapos ko silang ipanganak, hindi ko inaasahang..
[PRESENT]
Chelsea POV
T_T
May sakit ang kambal. Yung balat nila nag-turn ito bluish. Ikinagulat namin yun. Yung saya na bumabalot sa buong sistema namin ni Kyle, nawala in instant.
Kapapanganak ko palang non at wala pakong lakas na lapitan ang kambal. Si Kyle halos mag-panic na din sa kakasigaw sa doctor. Sinuri agad sila ng doctor at makalipas ang ilang oras, ligtas na ang kambal pero ang masamang balita..
May congenital heart defect sila. At it hurts me big time as well as Kyle. Halos ma-pipi ako nang malaman ko yun.
Sa dinami-dami, bakit mga anak ko pa?
Sabi ng doctor. Maaaring genetic iyon. Iniisip kong mabuti kung may ganon ba sa pamilya ko pero sad to say, hindi ko kinalakihan ang pamilya ko. Sa part naman ni Papa, wala. Hindi rin alam ni Kyle. Hindi kase namin sinabi ni Kyle sa mga Papa naman dahil nasa maayos na kalagayan na ang kambal.
Ang Congenital Heart Defect, yun yung defect sa structure ng heart and vessel which is present at birth.
May dalawang uri ng defects. Maaaring 'pag maliit lang ang defects, hindi na kailangan ng medication. Pero kung nasa serious stage yung defects, kakailanganin ng surgery or even medications.
Sa case ng kambal, sila ay pinanganak na may septal defect kung saan ang symptoms ng sakit nila, makikita lang after ilang years of birth pa.
Once na makitaan ko sila ng signs, kailangan agad silang isugod sa hospital. And one of the signs is shortness of breath.
Ilang araw kong iniyakan yun. Halos di ako makatulog. But seeing the twins na lumalaki ng masigla, gumagaan ang pakiramdam ko. Nakakalimutan ko yung fact na may sakit sila.
Ang sakit. Bilang magulang, kailanman 'di ko gugustuhing makitang nasasaktan ang anak ko. Ayokong mag-suffer sila. Ayoko..
T__T
Ngayon, nandito kami ni Kyle sa labas ng emergency room. Ang kambal nasa loob. Inoobserbahan sila ng doctor.
Kanina pa ako nananalangin na sana ay nasa maayos na kalagayan ang kambal. Hindi ko kakaynin kapag may nangyaring masama sa kanila.
"Baby ko, kumain ka muna." Sabi ni Kyle.
BINABASA MO ANG
MPMMN 3: Together Forever
Teen FictionMR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014