[play the music, "remeber me this way" -->]
Chelsea POV
Nakauwi na ang lahat. Kami nalang ni Kyle ang naiwan dito sa hospital para bantayan ang kambal.
Mahimbing na rin silang natutulog. Hanggang ngayong oras na ito, hindi pa rin ako makapaniwala na narito kami sa hospital, malungkot.
"Baby ko, magpahinga ka muna. Ako na muna ang bahalang magbantay sa kanila." Sabi ni Kyle na nakaupo sa tabi ko dito sa couch.
Umiling ako. Muli na namang tumulo ang luha ko. "H-hindi ko kayang magpahinga na ganito ang kalagayan ng kambal. Hindi rin ako makakatulog. Gusto kong nakabantay lang ako sa kambal, minu-minuto o kahit pa bawat segundo. Ayokong alisin ang ang tingin ko sa kanila.."
"Baby ko, baka ikaw naman ang magkasakit kapag hindi ka muna nagpahinga kahit sandali."
Yung labi ko nanginginig na sa pag-iyak. "G-Gummy bear, bakit? B-Bakit..."
"Sh*t." Niyakap ako ni Kyle saka inalo. "Sshh. Please stop crying. Hindi magugustuhan ng kambal kung malalaman at makikita nila na umiiyak ka.."
"Hindi ko kase alam kung ano ang susunod kong iisipin. Ang bata-bata pa nila. Dapat lang sa kanila, naglalaro, nagsasaya at hindi ito, hindi ito na nasa hospital sila. Hindi yung..hindi yung aabot sa punto na kailangan nilang sumailalim sa surgery. A-Ayokong maging nega pero..pero.."
"Pero paano kung hindi maging successful yung surgery? Paano kung magkaroon ng...ng...problema. Gummy bear diko kakayanin.."
"Ssh. Kahit pa ubusin ko lahat ng yaman ko para sa surgeries nila, wala akong pakialam. Lahat ng maaaring treatment para sa kanila, susubukan natin. Okay? Stay positive baby ko please. Ayokong isipin na hindi magiging successful ang surgery nila. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako..."
Buong buhay ko naging matapang ako. Wala akong sinusukuan. Wala akong gini-give-up. Pero ngayon, parang hindi magawang maging matapang.
"Bakit sila pa. Bakit sila pa ang kailangang makaranas ng ganito. Ano bang naging kasalanan ko para mangyari sa kambal 'to? Bakit pinaparusan ako ng ganito..bakit.."
"Baby ko.."
"Kung may nagawa man akong kasalanan, sana ako nalang yung binigyan ng sakit. Sana hindi nalang ang kambal. Wala silang kasalanan. Wala silang nagawa kundi pasayahin tayo. Kundi..kundi iparamdam saten kung gaano tayo nagiging mabuting magulang sa kanila.."
"Ssshh.."
"Marami pa silang dapat i-explore sa mundo. Ilang taon palang sila. Ako, ako handa na ako. Kaya sana ako nalang. Ilipat nalang nila saken ang sakit ng kambal. Ako ang magpapasan. Ako nalang. Ako nalang..."
"Baby ko wag kang magsalita ng ganyan, please.."
"Ang kambal...ang kambal, sila ang kayamanan ko. Kahit nga mamuhay lang tayong mahirap. Tatanggapin ko. Kahit wala tayong yaman, kahit wala tayong mansyon at mga sasayan, basta walang sakit ang kambal. Basta malulusog sila.."
Down na down na ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ang sakit sakit saken. Bilang ina, kung ano yung sakit na nararamdaman nila, doble saken. Dahil ako? Ayokong makita sila sa ganitong sitwasyon. Walang ina ang gugustuhing makita ang mga anak nila na nasasaktan at nahihirapan.
"M-Mom.."
Napatayo ako. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Kyle saka tumakbo papalapit sa kama ni Chylee.
Hinaplos ko siya sa pisngi. "Anong kailangan ng baby ko?" Tanong ko.
Pilit kong pinapahid ang luha ko habang pilit ring ngumingiti habang nakatingin kay Chylee.
BINABASA MO ANG
MPMMN 3: Together Forever
Teen FictionMR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014