Chelsea POV
Pregnant!? Sino? Ako?
"Gummy bear di ko alam." Sabi ko.
"Maybe you're pregnant kaya ka nagsusuka. Pupunta tayong OB bukas para magpa-check-up." Sabi ni Kyle.
Hanla? Buntis nga ba ako. Naku, naku. Hindi nga imposible. Si Chylee agad pumasok sa isip ko. If ever buntis nga ako, magtatampo yun pag nalaman niya. "Sige gummy bear."
Bigla niya akong niyakap. "Madadagdagan na naman ang family natin baby ko.."
Madadagdagan nga ba? "Oo nga pero gummy bear, naiisip ko si Chylee."
Kumalas sya ng yakap sakin saka ako hinarap. "Why?"
"Alam mo naman 'yung anak natin na 'yun, tampuhin." Sabi ko.
Hinawakan ni Kyle ang kamay ko saka lumabas na kami ng banyo. Naupo agad ako sa kama.
"Pwede naman nating ipaliwanag ng maayos sa kanya."
Tumango-tango ako. "Tama. Papaliwanag ng ayos. Hm, gummy bear tulog na tayo."
He smiled at me saka siya tumabi sakin dito sa kama. "Okay babe ko." He kiss me on my lips. "Goodnight."
"Goodnight gummy bear."
--
Kinaumagahan..
We're on our way to hospital. Papa-check-up na'ko sa OB-gyne. Buntis kaya talaga ako? Nae-excite ako na kinakabahan.
"If ever you're pregnant, I want triplets."
O____O
Seriously!? "Gummy bear! Hindi ko na nga kinakaya ang kakulitan ng kambal tapos dadagdagan mo pa ng tatlo!? Ay grabe."
"Hahaha. Just kidding baby ko. Pero kung triplets nga, don't worry kukuha tayo ng tig-iisang yaya nila para 'di na ikaw ang mag-aalalaga sa kanila."
Aish. Si Kyle talaga. Triplets? Ay jusko. Kumusta naman ang matres ko n'on pag nagkataon. Maya-maya nakarating din kami sa hospital. Pumasok na kami saka dumiretso sa clinic ng OB.
"Good day." Bati sa'min ng OB. "What can I do for you?"
"Magpapa-check-up ako. Nagsuka kasi ako kagabi. Hm, I think I'm pregnant." Sabi ko nang makaupo kami sa upuan sa harap ng table ng OB.
BINABASA MO ANG
MPMMN 3: Together Forever
Teen FictionMR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014