Chelsea POV
Natapos na ang celebration ng birthday ng kambal. Nakahiga na'ko dito sa kwarto namin katabi si Kyle.
Hindi ako makatulog kasi iniisip ko pa din kung ano kaya ang pinag-usapan nila Adrian at Kyle. Diko nga malimutan 'yung itsura nila kanina. Masyado silang seryoso. Naba-bother tuloy ako.
May problema ba kaya? Saan naman kaya? Ano kaya 'yun? Aaaaaishh! Ang hirap ng ganitong may iniisip.
"Baby ko, you're still awake?"
Gising pa pala si Kyle. Naramdaman niya siguro 'yung paggalaw-galaw ko dito sa kama. "A-Ah, di pa kasi ako makaktulog gummy bear."
"Why? Any problem?"
Kitams. Itatanong nya kung may problema ba. Eh sila nga yung may problema yata eh. "Wala naman. Siguro, pagod lang dahil sa party kanina." Pagsisinungaling ko.
Mas dumikit sa'kin si Kyle saka ako niyakap ng mahigpit. "Tulog na baby ko.." Sabi niya saka dinampian ako ng halik sa noo.
Naging sweet na talaga si Kyle pero ano nga kaya ang problema? Kinakabahan talaga ako eh. Bahala na. Ayokong magtanong kay Kyle. Gusto ko kasi kusa niyang sabihin sa'kin.
Pumikit na'ko at sinubukang matulog.
--
Kyle POV
Napansin kong nakatulog na ang asawa ko. Kanina ko pa nararamdaman na hindi siya makatulog. At alam kong iniisip niya kung may problema.
Expected ko na 'to. Napansin niya kasi kanina ang pagiging seryoso namin ni Adrian kanina matapos naming mag-usap ng masinsinan. Kahit kasi minsan walang common sense 'tong asawa ko, malakas pakiramdam nito.
Hay. Kung alam niya lang. Ayoko kasing sabihin sa kanya 'yung pinag-usapan namin ni Adrian. Malalaman niya din naman 'yun sa tamang panahon.
--
Chelsea POV
UMAGA. Inat-inat muna. Grabe parang pagod na pagod ako ah.
Tumingin ako sa tabi ko. Wala na si Kyle. Teka? Baka pumasok na sa company. Pero bakit 'di man lang niya ako ginising? Usually, ginigising niya ako para magpaalam.
Tiningnan ko 'yung phone ko. Walang text o missed calls. Nakakapagtampo naman.
Bumangon na ako. Paglabas ko ng pinto, napalingon ako nang makita ko si Chylee na kinakausap ang Jollibee statue niya sa labas ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
MPMMN 3: Together Forever
Teen FictionMR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014