Chapter 33 ❤ Surgery

361K 8.1K 824
                                    

Kyle POV

"Fvck!" Napamura ako nang bigla nalang mawalan ng malay ang asawa kong si Chelsea. Damn it.

Sobrang stressed na yata sya dahil sa nangyayari sa kambal.

"Doc!"

Ipinasok sa isang kwarto si Chelsea at sinuri ng doctor.

Lumabas muna ako habang hinihintay ang findings ng doctor.

"Ano nangyari?"

Biglang dumating sina Mandy at James.

"Nasa sasakyan na ang mga maleta." Sabi ni James. "May nangyari ba?"

"Si Chelsea nawalan ng malay. Si Chylee, medyo okay na siguro pero si Skyler.."

Napatigil ako. Sa tuwing maiisip ko ang kalagayan ng anak ko, parang tinutusok ng ilang karayom ang dibdib ko. "50-50 si Skyler."

"Fvck!" Napamura si James sabay suntok sa pader.

"Sh*t. Bakit kailangang umabot sa ganito? Pati si sis..hay." Sabi ni Mandy na bigla nalang naiyak.

Naiintindihan ko sya. Kadugo nya ang kambal kaya alam kong sobra ang pag-aalala nya lalo na kay Chelsea na kapatid nya.

"All we can do is pray. Magiging ayos din ang lahat. Magtiwala lang tayo." Sab ni James.

Napatingin ako sa pinto ng lumabas ang doctor. "Kumusta ang asawa ko?"

"Maayos na sya. Stressed lang sya at pagod kasama na ang puyat kaya hindi na kinaya ng katawan niya. She's fine. Hintayin nyo nalang syang magising. Paalala ko lang, hayaan nyo muna syang makapagpahinga." Tinapik na ng doctor ang balikat ko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil maayos na ang lagay ng asawa ko.

"Mabuti, okay na si Chelsea. Anong oras ang punta natin sa Europe? Hindi ba't kailangan ng madala doon ang kambal?"

"We'll ne leaving now."

"Pero si sis.."

"Isasakay nalang sya sa stretcher. Makakapagpahinga naman sya sa plane since private plane yun. At least tulog sya habang nasa byahe." Paliwanag ko.

Hindi na namin pwedeng patagalin ang pagpunta sa Europe. Kailangan ng mag-undergo ng surgery ang kambal lalo na't nangnganib na ang buhay ni Skyler.

"Okay. Kausapin na antin ang doctor ng kambal." Sabi ni James.

Tumango ako. Mabuti pa nga. Kasama kase namin ang doctor ng kambal. Kelangan siya para habang nasa eroplano, ma-monitor pa rin ang kalagayan ng kambal.

Sana maging maayos na ang lahat. Sana bumalik na ang dating sigla ng Shin-Woo family.

--

[Europe]

Chelsea POV

Nagising ako nang maramdaman ang labi na humalik sa pisngi ko.

"You're awake."

Sumalubong saken ang gwapong mukha ng asawa ko. Ngumiti ako.

"Baby ko.."

Bigla akong bumalik sa senses ko. "Teka asan pala ako? Ang kambal asan na? Ano ng nangyari?" Sunud-sunod kong tanong.

"Baby ko, we're in Europe. We're here at the hotel. Nasa hospital na ang kambal. Pinag-aaralan na sila at mino-monitor bago simulan ang surgery."

"Pero bakit nandito tayo sa hotel? Bakit andito ka? Kailangan tayo ng kambal. Isa pa, paano ako nakarating dito sa Europe?"

"Wag ng maraming tanong. Hindi ka pwedeng ma-stress baby ko. Sina Mandy at James andon sa hospital. Binantayan lang muna kita at hinintay na magising bago pumunta don."

"Kanina pa ba sila sa hospital?"

"No. One hour palang." Sagot nya.

Kumusta kaya ang kambal ko. "Ano bang nangyari saken?"

"Nahimatay ka baby ko. Masyado kang na-stressed kaya wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Stay positive. Magiging ayos din ang lahat."

Bumangon na ako. "Tara na sa hoospital." Yaya ko kay Kyle. Gusto kong bantayan ang kambal.

"Yeah. Pero bago yun, take this."

Inabot nya saken ang isang tableta ng gamot saka mineral water. "Para?"

"Ni-reseta ng doctor. Inumin mo na yan pagkatapos ay magpalit ka na ng damit para makapunta na tayong hospital."

"Pero baka nagsisimula na ang surgery?"

"No. Sinabihan ko si James na tawagan ako 'pag nagbigay na ng signal ang doctor na pag sisimulan na ang surgery."

Tumango-tango ako. "Mabilis lang ako." Sabi ko saka ininom ko na ang gamot.

Tumayo na ako para magbihis. Niyakap ako ni Kyle. "Magiging maayos ang lahat. Let's just pray for the safety of our twins."

Ngumiti ako ng maluha-luha. Yeah, I trust God more than anyone. At lalong may tiwala ako sa kambal. Makakaya nila yun.

--

At hospital..

[Europe]

Nandito ako sa mini chapek ng hospital. Kasama si Mandy. Nakaluhod ako at nagdarasal.

Kanina pa kami narito sa hospital at sumasalilalim na sa surgery ang kambal.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon. Ang bigat sa pakiramdam. Pabigat ng pabigat habang tumatagal ang paghihintay namin na matapos ang surgery. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi maging successful ang surgery pero pinipilit kong magpaka-tatag.

"Sis.."

Kanina pa ako inaalo ni Mandy. Hindi ko kasi mapigilan ang luha ko habang nakapikit at mataimtim na nagdarasal.

"A-ayokong maging negative.." Panimula ko.

"I know marami pang plano ang Diyos sa kambal. Hindi Niya pababayaan ang kambal. Gagaling sila.."

Niyakap ako ni Mandy. "Always look at the bright side sis. I'm sure, magiging successful ang surgery. Babalik na sa dati ang masisigla kong pamangkin. Stay strong, okay?"

Tumango ako.

"Chelsea, Mandy..tapos na ang surgery."

Agad kaming napalingon sa nagsalita. Si James.

Napatakbo kami ni Mandy palabas ng chapel. Oh God, please..sana successful.

"How's the twins?" Narinig kong tanong ni Kyle sa doctor na mukhang kakalabas lang sa operation room.

Humawak ako kay Kyle habang nakatutok ang tingin ko sa doctor. Umakbay naman saken si Kyle.

Hindi ko ma-describe yung face expression ng doctor kaya lalo ang kinakabahan.

"Your twins..after the surgery, I have good news but I have bad news, too."

Bakit may good news at bad news? Anong ibig sabihin nito? Hindi. Ayokong maging negative.

"Which one do you like me to tell? The bad news or good news?"

Natahimik kaming apat. Hindi kami makapagsalita. Ano ang uunahin namin? Good news o bad news? Natatakot na ako.

Hindi ko na mapigilang maiyak. Knowing na may bad news. Hindi ko alam kung makakapagsalita ba ako. Sari-sari ang pumapasok sa isip ko.

No, ligtas sila. They made it.  I know that -- mother instinct.

MPMMN 3: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon