Chapter One: DOG

57.5K 982 43
                                    

para kay mareng @ValjeanRegala♥ :3

AND TAKE NOTE: Kapag DOG ang nakalagay sa isang chapter, it means na nasa POV iyon ni MILLIE(like this chapter). Kapag CAT naman, nasa POV ni LEVI. kkkk? :3

----

CHAPTER ONE: Dog

Levi Sy. 

Siya ang lalaking pinaka-kinaiinisan ko sa buong mundo at sa buong buhay ko. Kinaiinisan ko ang lagi niyang pagpapaiyak sa'kin nung mga bata pa lang kami, kinaiinisan ko ang lagi niyang pang-aasar sa'kin ngayong malalaki na kami, kinaiinisan ko ang pagiging playboy niya, kinaiinisan ko ang kalandian niya sa mga babae.

Pero nung minsang umiyak at nasaktan ako dahil sa isang lalaki na pinaasa't niloko ako, siya ang nagtanggol sa'kin; siya ang nagpatahan at nagpagaan ng loob ko.

At sa minsang pagkakataon ding 'yun, nahulog ang loob ko sa kanya.

Pero hanggang dun na lang 'yun!

Dahil itong nararamdaman ko para sa kanya? Mananatili lang ito sa sarili ko. Lilipas at mawawala rin ito.

O ganun nga ba?

"Mm..." Iritado akong umungol sa pagtulog nang may maramdaman akong braso na yumakap sa katawan ko.

T-Teka.

Braso? Yumakap sa katawan ko? Pero wala naman akong katabing matulog ah?!

Dun na ako napadilat.

Una kong nasilayan ang pader na nasa harap ko. Pader na alam kong hindi sa kuwarto ko.

Nakaramdam din ako ng kakaiba sa katawan ko. Wala pala akong suot na kahit ano sa ilalim ng kumot. At may mahapdi sa ibabang parte na katawan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga napansin ko. Hindi rin ako makakilos dahil sa kaba. Pero pilit akong umupo nang takip ng kumot ang katawan ko para tignan itong katabi ko na nakayakap kanina sa katawan ko.

S-Si...

Si Levi 'to!

Sa pagtitig ko sa natutulog niyang mukha, mabilis na nagflashback sa utak ko ang mga nangyari kagabi.

*

"Uy askal!" Si Levi, lasing na dumating ng bahay nila. Lakas nga ng amoy ng alak na umaalingasaw mula sa kanya eh. Nakakainis lang.

Ako naman eh nandun kasi binilinan ako ng nanay ko na asikasuhin ang hapunan ng pusandi na 'yan. Naging parte na rin kasi ng responsibilidad ng mga magulang ko si Levi mula nang umalis ang mama niya three months ago para manirahan sa Amerika kasama ang tatay niya. Dapat nga kasama siya eh pero ewan ko ba sa pusanding 'yan. Mas piniling mag-stay dito sa Pilipinas.

"Handa na hapunan mo. Kumain ka na lang kung trip mo." Asar kong salita sabay lakad palabas ng bahay nila. Makita ko lang talaga siya, kumukulo na dugo ko. Wala kasi talaga siyang balak magbago. Bisyo bago aral. Puro na lang siya alak, babae-- ah bwiset.

Lalagpasan ko na siya sa may sala, nang bigla naman niya kong hinatak sa kamay at saka niyakap!

"Happy Valentine's day, askal..."

"H-Happy Valentine's day mo mukha mo!" Tinulak ko siya. "Wala namang kasaya-saya sa Valentine's day ko 'no!" Wala kung naglalandi ka naman sa iba't ibang babae! Wala kung 'di mo naman ako napapansin!

Ah, takte! Ano na ba 'tong pinaglalaban ng utak ko?!

"Pusandi! Bitawan mo nga ko!" Pinilit kong kumawala sa yakap niya nung hindi ko siya maitulak. Pero sa kada pilit ko eh humihigpit lang ang yakap niya sa'kin! "A-Ano ba pusandi?! Argh!"

"Millie..." Mahina at malambing ang boses niya. Natigilan tuloy ako sa pagpupumiglas. "A..."

"A... A-Ano?!"

"Akyat mo naman ako sa taas..." Tuloy na niya! Kala ko pa naman ano... tsk!

Kumukulo nga ang dugo ko sa pesteng pusandi na 'to. Pero hindi ko naman siya matiis kapag ganito siya.

Tinulungan ko nga siyang umakyat sa kuwarto niya. Buti na lang, tinutulungan din niya ang sarili niya para hindi ako masyadong mahirapan.

Sa kuwarto niya, binalibag ko siya nang basta-basta sa kama niya. Aba, hiningal at napagod ako sa pag-akyat sa kanya dito. Tapos siya, ayan! Tulog na!

Tinalikuran ko na siya para makaalis na ko-- nang may biglang humawak sa pulso ko. Si Levi 'yun, malamang.

"Ano na nam--"

Hindi ko na naituloy ang pag-angil ko sa pusandi na 'to kasi bigla na lang niya kong hinatak pahiga sa ibabaw niya at saka muling niyakap!

Gusto kong sumigaw at magreklamo pero napanganga na lang ako eh. Parang nag-aadapt pa ang buong sistema ko sa pagsasabay-sabay ng kung anu-anong pakiramdam sa loob ko. Gulat, pagka-ilang, inis, init--

A-Ano?! I-Init?! Ahhh! Hindi!

"L-Levi?! Tsk." Mahina pero may inis sa tono ko kasabay ng pagpilit ko na namang kumawala sa kanya. Pero hinigpitan niya pa ang yakap sa'kin eh!

Hindi naman ako sumuko. Pinilit kong kumawala ulit sa pagkakayakap niya. Sinigaw-sigawan ko na siya at binira-bira pa, hanggang sa marinig ko siyang tumawa. Tawa na hindi 'yung usual niyang tawa sa'kin na mapang-asar.

Ang sunod ko na lang na naramdaman eh humawak siya sa beywang ko at mabilis na pinagpalit ang mga puwesto namin. Mula sa ibabaw, napunta ako sa ilalim niya nang nakakulong sa mga braso at binti niya. Ang mga mukha namin, sobrang magkalapit. Nakadikit ang ilong niya sa ilong ko. Amoy na amoy ko tuloy ang hininga niya na mainit at amoy alak. nalalasing na rin ako. Pero posible ba 'yun? Ang malasing agad sa amoy pa lang ng alak?

At kailan pa naging ganito kaguwapo si Levi?

Err... Guwapo naman talaga siya pero 'yung papkaguwapo niya ngayon, iba eh. Parang gusto kong hawakan ang mukha niya.

"I love you Millie..."

'Yung boses niya, 'yun yata ang tinatawag nilang husky?

Nagwala ang puso ko. Pero hati ang ikinakawala nito. Hati sa tuwa at pagdududa. Hati sa pagsigaw ng 'Yehey!' at 'Heh! Kalokohan!'.

Wala akong masagot. Wala akong masabi kahit ba gusto kong kumontra at kuwestyunin ang sinabi niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya, hanggang sa ilapat niya bigla ang mga labi niya sa mga labi ko.

Ikinagulat ko ulit 'yun. Napahawak pa ako sa mga balikat niya at itinulak siya. Pero saglit lang 'yun dahil bumigay rin ako. Sinagot ko ang halik niya sa hindi ko malamang paraan. Hindi pa naman ako marunong humalik eh. First kiss ko kaya 'to!

Pero 'yung halik ni Levi. lumilihis na pababa. Ang isang kamay niya, kung saan-saan na humahawak sa loob ng damit ko. Nakaka-ilang pero ito ang pagka-ilang na gusto ko. Mainit, pero ito ang init na ayaw ko nang layuan pa.

Kaya hindi lang first kiss ang binigay ko kay Levi.

Hinayaan ko na ring siya ang maging first ko sa bagay na ito.

*

Naestawa na ko rito sa kama sa mga naalala ko.

Bakit ko hinayaang mangyari 'to? Bakit ako nagpadala sa kung anumang init na naramdaman ko kagabi? Bakit ako nagpauto sa kalokohan at kalandian ng pusanding 'to?

Ahhh!

Gusto kong sumigaw!

Oo, nagsisisi ako! Ginusto ko nga, pero mali eh!

Biglang gumalaw si Levi. Kinabahan ako. Akala ko gigising na siya. Pero buti naman at hindi pa.

Ayoko eh. Matapos ng pangyayaring 'to, ayoko nang makaharap siya-- KAHIT NA KAILAN PA.

Madali na kong bumangon. At kahit nakaka-ilang kumilos, pinilit kong magbihis at dumiretso ng uwi sa bahay namin.

xxxxxx TBC~

a/n

NEXT UPDATE: matatagalan pa! as in! so pasensya na... >///<

AND HAPPY HEARTS DAY, EVERYONE! ^^

Cat & Dog BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon