Pinost ko kagabi yung Chapter 22, ah! Just saying in case some of you guys missed it. :) So, ito na! Ang final chapter! Lalalala~
-----
FINAL CHAPTER: Dog
Nang dumilat ako, puro puti ang nakita ko. Ang bigat ng katawan ko, at may kirot akong nararamdaman sa ibabang parte ko. Doon, unti-unting luminaw ang mga naaaninag ko.
Nasa isang kuwarto pala ako--ah, oo, nasa isang ospital ako malamang dahil ang huli kong naaalala ay ang pinagdaanan kong panganganak.
Napapikit ako sa alaalang iyon. Grabe. Nakaka-trauma lang.
Bigla rin akong napadilat ulit nang mag-sink in sa akin na nanganak na nga ako. Ibig sabihin, lumabas na ang baby ko. Pero maaga pa para ipanganak ko siya!
Bumangon ako, pero agad kong ininda ang kirot sa sugat na nakuha ko sa panganganak.
"Uhh," Si Levi, nakapahinga pala ang ulo sa tabi ko. Nang iangat niya iyon, tinitigan nita ako nang may antok na antok na mga mata. "Millie?"
"Levi..." Naiiyak ako.
"O-Oh bakit?" Nawala ang antok niya.
"Nasaan na baby natin? O-Okay lang ba siya?"
Parang pinrosesa pa ng utak niya ang iniiyak ko bago nag-react. "Ah! 'Yung baby natin! Millie naman, kalma lang. Okay lang ang baby natin." Inabot niya ang mukha ko't pinunasan ang luhang pumatak sa isa kong mata.
"G-Gusto ko siyang makita, Levi... Dalhin mo ako sa kanya..."
Ngumiti si Levi. "Mamaya, mamaya. Kumain ka na muna."
"Ayoko. Gusto ko nang makita ngayon ang baby natin." Pagpupumilit ko. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko pa nakikita ang anak namin.
Sumeryoso ang mukha ni Levi at lumipat ng upo rito sa higaan ko. "Millie, huwag kang pasaway. Kagabi, hindi ka nakakain nang sapat na hapunan at grabeng lakas pa ang ginugol mo sa panganganak. Kaya kumain ka muna. Kahit kaunti lang. Please."
Hindi na ako nakatanggi kay Levi. Mukhang hindi niya rin naman ako hahayaang balewalain ang sarili ko eh. Susundin ko na lang siya para masunod din ang gusto ko.
Si Levi lang pala ang kasama ko ngayon dito. Si Mama, pinaghanda at dinalhan lang daw kami ng almusal kanina tapos pumasok na ito sa trabaho. Pipilitin din naman daw nitong mag-half day para maasikaso ako.
Si Juni naman, may pasok sa school kaya wala. Mamayang uwian pa ito makakadalaw sa akin.
At si Levi, may pasok din siya dapat eh pero ito siya, inaasikaso ako. Mula paghihilamos at pagkain ng almusal hanggang sa pagtali ng buhok ko, tinulungan niya ako. Na-appreciate naman ng puso ko ang mga iyon. Hindi ko akalaing aabot sa ganitong punto ang pagpapaka-responsable niya.
"Ayan," natuwa siya nang mapaupo niya ako sa isang wheel chair. "Ready ka na?"
"Mm," nakangiti akong tumango. Handang-handa na akong makita ang baby namin.
Habang tinutulak niya ako papuntang nursery room, nagku-kuwento siya. Nabalita na raw niya sa mga kaibigan namin ang panganganak ko at malamang na bisitahin kami ng mga ito mamayang gabi. Nabalita na rin daw niya iyon sa mga magulang niyang nasa Amerika. Nakakatuwa at sa Pasko ay makakauwi pala ang mga ito para makita ang apo nila.
Kaya nga lang, nakakalungkot din dahil naalala ko si Chelly--ang best friend ko nung high school na bigla-bigla na lang at walang paalam na umalis noon para manirahan sa Amerika. Sana man lang may paraan para makontak ko siya at mabalita ang magandang pangyayaring ito sa buhay ko. Kaso kahit isang trace para mahagilap siya, wala siyang iniwan.
BINABASA MO ANG
Cat & Dog Baby
Dla nastolatkówAso't pusa, magkaka-baby? • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 / 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟰 •