Chapter Eighteen: DOG

24.4K 610 42
                                    

CHAPTER EIGHTEEN: Dog

"Woooh!" Nag-dive si Levi sa kama ko. "Sa wakas!" 

"Huwag mo nga guluhin kama ko!" Sita ko sa kanya.

Umupo siya at nakangising tumingin sa akin. "Hindi kama mo. Kama natin." Paglilinaw naman niya na inikutan ko lang ng mata.

"Ewan. Ayusin mo na 'tong mga gamit mo nang walang nakakalat dito!" Sinipa ko 'yung bagpack niyang nasa sahig at naglalaman ng mga damit niya. Walang reklamo niya 'yung kinuha at sinimulang ayusin sa cabinet ko. Habang ako ay pumuwesto sa may study table at pinanood lang siya.

Ito ang request ko kay Mama last week eh, 'yung dito na rin patirahin sa amin si Levi para maasikaso ko siya katumbas ng pag-aaral at pagtatrabaho niya. Ngayon lang siya nakalipat dahil off niya ngayon sa trabaho at wala pang pasok sa school.

Hindi ko na nga rin pala siya sa sala papatulugin. Hindi ko na matiim iyon kaya dito na siya sa kuwarto ko. Ayoko nang mag-inarte at gusto ko na rin namang makatabi siya sa pagtulog.

Masaya, lalo na siya. Kaso madalas akong mabagabag dahil dun sa Jo na tumawag sa kanya nung may sakit siya.

Sinabi ko rin naman kay Levi nung araw ring iyon pagkagising niya, na may tumawag sa kanyang babae na Jo ang pangalan. Sinabi ko na hinihintay raw siya nito dahil may usapan daw sila. At ang reaksyon niya?

"Ah... Hayaan mo na 'yun..." Sagot niya nang hindi nakatingin sa mga mata ko.

'Yung pagdududa ko tuloy, lumala. Gusto ko sanang mag-kuwestiyon kung sino at ano ba ang babaeng iyon sa kanya, pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko wala ako sa posisyon eh.

"Millie."

Mula sa sahig, tumingin ako kay Levi. Nakasandal siya sa cabinet ko at mukha siyang nag-aalala.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hmm... Kung hindi ka naman komportable, puwedeng sa sala niyo na lang ako matulog. O 'di kaya sa sahig dito."

"Hindi, hindi." Ni-wave ko ang dalawang kamay ko. "Levi, okay lang. Iyon ang gusto ko. Tabi na tayong matutulog."

"Eh bakit ganyan itsura mo? Hindi ka masaya..."

"Malungkot talaga ako, pero hindi iyon ang dahilan..."

Medyo nagulat siya nun bago lumapit sa akin at nag-squat sa harapan ko. "Bakit ka naman malungkot Millie? Anong problema?"

Bumuka ang bibig ko para i-open up ang tungkol kay Jo. Pero iba ang nasabi ko.

"Ewan ko... Basta, malungkot lang ako..."

Tinitigan niya lang ako na para bang sinusubukan niyang basahin ang laman ng utak ko. Hanggang sa ngumiti siya. "Tara, date na lang tayo."

Napakurap ako. "Huh?"

"Matagal ka nang hindi gumagala, Millie. Kaya ipapasyal kita. Magde-date tayo para sumaya ka pati na baby natin."

"Pero... hindi ba nakakahiya iyon?"

"Nakakahiya?" Nagulat siya. "Teka, nahihiya ka na bang lumabas at gumala dahil buntis ka? Dahil malaking-malaki na 'yang tiyan mo ngayon?"

"Hindi ah!" Mariin ko namang depensa. "Hindi ko 'to kinakahiya! Ikaw ang iniisip ko. Hindi ba nakakahiya iyon sa'yo? 'Yung gumala nang may hatak-hatak na buntis?"

Natawa siya nang malakas. "Hatak-hatak talaga?"

Sumimangot lang ako.

"Kung ikakahiya ko iyon eh 'di sana hindi na kita niyayang makipag-date 'di ba?"

Cat & Dog BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon