Chapter Fifteen: DOG

27.9K 636 36
                                    

CHAPTER FIFTEEN: Dog

Unti-unti na nga yatang nagiging okay ang relasyon namin ni Papa. Mula nung kausapin niya ako, araw-araw nang nagdadala ng mga prutas si Mama sa bahay at bigay raw iyon ng tatay ko.

Nakakataba ng puso ko. Kahit ang baby ko, nararamdaman kong natutuwa sa nangyayari. Lalo naman si Levi, ang yabang! Tama raw ang sinabi niya noon na magiging okay rin ulit ang lahat. At dahil tama siya, dapat daw bigyan ko siya ng reward na kiss! Ayun, sinapak ko nga.

"Ready na kayo?" Nakangiting tanong ng doktora ko na kasalukuyang inu-ultrasound ako.

Twenty one weeks na ako at sa check-up kong ito, malalaman na namin ni Levi ang gender ng baby namin.

"Ready na po!" Si Levi ang sumagot. Excited talaga ang loko. Palibhasa may pustahan din kami. Kapag baby boy ang baby namin, puwede siya mag-request sa akin ng kahit ano na dapat kong sundin. Kapag baby girl naman, ako ang puwedeng mag-request sa kanya.

"Okay," natatawa si Doktora nang muling tumingin sa monitor.

Humigpit naman ang pagkakahawak namin ni Levi sa kamay ng isa't isa.

"Based on my observation sa kuhang ito ng baby niyo, your baby is a..." Napalunok ako sa pambibitin niya. Tinignan niya pa kami nang nakangiti. "A baby girl."

"Yeeey!" Tili ko.

Si Levi, rinig kong napa-Wow lang sabay tawa nang mahina. Habang si Doktora naman ay nagpaliwanag pa kung paano naging baby girl ang finding niya.

Ang saya. Bukod sa ako ang nanalo sa pustahan namin ni Levi eh masaya rin akong malaman na healthy pa rin ang pagbubuntis ko.

Hmm, so sa ngayon, ang ikinaka-excite ko naman na ay ang panganganak ko. Gusto ko nang makita ang baby namin. Ano kayang itsura niya? Magiging mas kamukha kaya siya ni Levi? O ako?

"Hanggang ngayon, wala ka pa ring naiisip na request?" Tanong ni Levi pagkahinto ng kotse niya sa tapat ng bahay nila.

"Wala pa." Wala pa dahil lutang ang utak ko kakaisip sa magiging itsura ng baby natin. "Uy si Mama!"

Napansin ko si Mama na kalalabas lang ng gate ng bahay namin. Madali akong napababa ng kotse ni Levi at pasigaw na tinawag siya. Nakangiti naman niya akong nilingunan at nilapitan.

"May good news ako anak." Sabi agad ni Mama. Sayang, naunahan niya ako. Ibabalita ko sana agad 'yung naging resulta ng check-up ko ngayon eh.

"Ano po 'yun, Ma?" Tanong ko. Sakto namang bumaba na rin si Levi.

Nginitian ni Mama si Levi bago humawak sa dalawang kamay ko. "May pagkakataon ka na para makausap ulit ang papa mo."

Napakurap ako. Kasi, nagkausap na nga kami ni Papa last week pero hindi na iyon naulit pa. Kinukumbinsi man ako ni Mama na lapitan si Papa para kausapin ito pero nahihiya akong magkusa na lumapit dito.

"Tinawagan kasi ako ng Papa mo kani-kanina lang. Nagpapahanda ng hapunan at maaga raw kasi siyang makakauwi. Tapos yayain ko raw kayo ni Levi na sa amin na maghapunan."

Napanganga ako, hanggang sa napa-ngiti. Napalingon din ako kay Levi na nakangiti rin gaya ko.

"Uy mamaya, pumunta kayo sa amin ha?" Tanong pa ni Mama sa amin ni Levi.

"Opo, Ma. Sige." Tuwang-tuwa kong sagot.

"Sakto po pala, Tita." Biglang salita ni Levi. "Mamaya po, may maganda rin kaming ibabalita ni Millie sa inyo, eh."

"Talaga, talaga?" Halos magningning ang mga mata ni Mama. Tumango naman ako sa kanya, kahit hindi ko pa alam kung tama ba ang hula ko sa magandang balita na tinutukoy ni Levi.

Cat & Dog BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon