Chapter Nineteen: DOG

23.9K 605 22
                                    

CHAPTER NINETEEN: Dog

Mula mall, umuwi kami ni Levi nang walang imikan. Ni hindi niya sinusubukang i-comfort ako.

Buti na lang nasa bahay na si Mama nung makauwi kami. May iba na akong mapagtutuunan ng pansin. Naghahanda na kasi si Mama ng hapunan nun kaya tumulong na lang ako.

Si Levi, ewan ko. Diniretso niya sa taas 'yung mga pinamili namin at hindi na siya bumaba mula nun. Bumaba na lang siya nung kainan na. Wala pa rin kaming imikan nun habang kumakain.

Nakaka-frustrate lang. At sa frustration ko eh sa sala ako nag-stay pagkahilamos ko.

9pm na, oras na para matulog pero hindi pa ako inaantok. T'saka ayaw ko ring matulog sa kuwarto ko. Nandun si Levi eh. Nakakahiya namang paalisin siya dun dahil sarili kong ideya ang patulugin siya ro'n.

Hinihimas ko lang ang tiyan ko habang nakatingin sa kawalan. Sa utak ko, paulit-ulit bumabalik 'yung itsura nung Jo, 'yung pag-uusap nila ni Levi, at maging ang pag-uusap namin sa cellphone last week.

Nakakapagduda talaga sila. Malakas ang pakiramdam ko na may something sa kanila. Kung secret affair ba, ewan ko. O baka ganun na nga at ayaw ko lang aminin sa sarili ko kasi masakit. Pero basta. Nakakasiguro ako na may sikreto sila. At sobrang nakakalungkot lang. Feeling ko lang wala akong kuwenta.

"Millie."

Napasimangot ako nang marinig ko ang boses ni Levi.

"Uy, tulog na tayo oh."

Pa-irap akong tumingin sa kanya. Naka-pantulog na siya at mukhang malungkot.

"Ikaw, matulog ka na." Sagot ko. "Dito lang ako."

"Dito ka lang?"

"Oo. Dito ako matutulog."

Napanganga siya. "Millie?"

Hindi na ako umimik.

"Millie, ako na lang ang matutulog dito. Ikaw na dun sa taas." Nilapitan na niya ako.

"Ayoko. Nakakahiya sa'yo. Niyaya-yaya kitang dun matulog tapos dito ka matutulog?" Pagmamatigas ko.

"Mas nakakahiya naman sa mama mo kapag makita niyang ikaw ang natutulog dito. Kaya tara na. Iaakyat na kita." Nilapit niya ang kamay niya sa akin pero tinapik ko iyon.

"Lumayo ka nga. Naiinis ako sa'yo." Galit kong salita sa kanya.

Sa buong buhay ko, ilang beses ko nang nasabihan si Levi na naiinis ako sa kanya. Pero sa pagkakataong ito ko lang nasabi iyon nang punung-puno ng inis.

Ramdam ko nga na naiinis na rin ang baby naming nasa tiyan ko. Kaya nga lang, hindi katulad ng inis ko ang nararamdaman nito. Hindi inis kay Levi, kundi inis sa nangyayari sa amin ngayon.

"Millie," lumuhod sa harapan ko si Levi. Mas lalo naman akong nainis kaya humiga na lang ako sa sofa at tinalikuran siya. Hindi lang ako maka-talikod nang maayos dahil hindi ako komportable na humiga rito nang patigilid.

"Matulog ka na nga dun. Matutulog na rin ako." Malamig kong sabi.

Narinig ko siyang huminga nang malalim bago ko siya naramdamang tumayo. At ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang paghiga niya sa tabi ko at pagyakap sa tiyan ko, dahilan para kilabutan ako.

"'Wag ka na magselos oh, Millie." Bulong niya. "'Wag mo pagselosan si Jo."

Naluha ako at napalunok. Alam na pala niyang nagseselos ako, pero bakit hindi niya pa linawin sa akin kung sino ang Jo na 'yun?

Cat & Dog BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon