CHAPTER FOURTEEN: Dog
Nakakalungkot naman...
Nakakalungkot 'yung ganito, mag-isang nagpapalipas ng maghapon. Magwa-one week na kasi mula nang magsimula ang pasukan. At dahil may part-time job si Levi, maghapon na siyang wala sa bahay at gabi na siya kung makauwi. Ang kapatid ko naman, may pasok na rin. Si Mama, may trabaho pa rin. So ito ako ngayon. Mag-isa.
"Ah!"
Gulat akong napahawak sa tiyan ko habang nakaupo sa sofang higaan ni Levi. Itong baby kasi namin, biglang gumalaw! Hindi ko lang alam kung anong klaseng galaw ang ginawa niya, pero sigurado akong gumalaw siya.
Last week pa ako nakararamdam ng ganito. At tuwing gumagalaw siya, napapasigaw ako. Nakakagulat kasi at ang weird sa feeling. Para bang may kumikiliti sa akin mula loob.
Sayang nga lang, hindi pa magawang maramdaman ni Levi ang paggalaw ng baby namin. Bukod kasi sa hindi niya matiyempuhan eh hindi pa iyon ang tipo ng galaw na mararamdaman sa labas ng katawan ko--ayun ang paliwanag sa amin ng doktora ko last week.
"Sorry baby. Hindi nga pala ako mag-isa. Kasama nga pala kita. I love you, okay?" Sabi ko sa baby namin habang hinihimas ang malaki ko nang tiyan.
This week, nag-twenty one weeks na itong pagbubuntis ko. At next week, puwede na raw namin malaman ni Levi ang gender ng baby namin.
Super excited na kami ni Levi malaman kung girl o boy itong baby namin. Nagsimula na nga rin kaming mag-isip ng ipapangalan dito. Kaso lagi naman naming pinagtatalunan ang bagay na iyon. Ang pusandi kasi na 'yun, ginagawang laro-laro ang pag-iisip ng pangalan. 'Yung mga baby boy names na naiisip niya, puro tunog pang-halimaw. 'Yung baby girl names naman, puro pangalan ng sexy stars! Tsk.
Pero may matino rin naman naging suggestion si Levi. Kapag boy raw, Levi Junior. Kapag girl naman, Levianna--combination ng mga pangalan namin. Eh ayoko naman sa mga pangalang 'yun! Basta, ayoko! Hindi ako natutuwa sa tunog nila!
Bigla akong napabalikwas sa kinauupuan ko. 'Yung cellphone ko kasing nasa tabi ko, biglang nag-ring. Nang tignan ko iyon, nakita kong si Levi ang tumatawag.
Napalunok ako sa pangalan niya. Medyo kinakabahan lang ako na kausapin siya kasi... uhm... may sort-of-mali akong ginawa.
"Hello?" Mahina kong sagot.
"Millie, ano bang problema?" May inis at pag-aalala niyang tanong.
Sino ba naman kasing hindi maiinis kung kanina ko pa siya tinetext nang may sad-face emoticon. Nung magtanong naman siya kung bakit may sad-face sa unang text ko, sinabi ko na malamang kasi malungkot ako--nang may sad-face emoticon ulit. Nang tanungin naman niya kung bakit ako malungkot, wala lang ang sinagot ko--nang may sad-face emoticon pa rin.
Mula nun, hindi na siya tumigil kakatanong sa text kung ano bang problema. Pinagpilitan ko naman ang sagot ko na wala lang--pero naka-sad face pa rin--na tinriple ko pa. Eh nagkataong nasa klase siya ng mga oras na 'yun kaya ngayon niya lang ako natawagan.
"Wala naman," mahina pa rin ang boses ko sa pagsagot sa tanong niya. "Malungkot lang talaga ako." Na totoo naman. "Anong oras ka ba makakauwi?"
Natawa siya. "Aww. Nami-miss lang pala ako ng askal ko."
"H-Heh!" Napasigaw ako kasabay ng pag-init ng mga pisngi ko. Teka! Bakit ganito?! Hindi naman 'yun totoo eh! "Huwag ka ngang mag-aww diyan dahil hindi ka naman aso! Pusa ka eh! Pusang malandi!"
"E 'di baguhin," pilit siyang tumigil sa pagtawa. "Meooow. Nami-miss na ako ng askal kong mahal ko."
Naitakip ko sa mukha ko ang isa kong kamay. Nakakainis talaga ang kalandian ng pusandi na 'to. Ang mas nakakainis pa eh hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig sa kalandian niya. Ugh! Nakakainis sobra!
BINABASA MO ANG
Cat & Dog Baby
Dla nastolatkówAso't pusa, magkaka-baby? • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 / 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟰 •