Chapter 6

10.5K 116 0
                                    

Escape

I look at my reflection in the mirror and I saw myself staring at a girl I thought would never come back to life anymore. Yung babaeng matagal ko nang ibinaon sa sarili ko. Ibinaon sa limot ng kahapon. Ibinaon kasama ang mga panahong pinagsisisisihan ko ng sobra sobra. Mga panahong--

 Joke! Chos, masyadong madrama. 

 Eto na ang totoo. So as I was starring at myself medyo napanganga lang naman ako ng konti. I've been living my life looking just above like a lesbian pero ngayon yung babaeng nakatingin sa akin, para siya yung babaeng kinaiingitan ng mga kababaihan noon at pinagnanasaan ng mga lalaki mula pa lang sa pagtapak niya sa lupa. Yun bang sinasamba ng lahat? Ganun yun. Natural, dahil yon ay si Alessandra Denise Sortilejo.  Oo nga naman. Back then, I was the most sought after bachelorette. The wild child pero noon lang naman yun. I was a brat, a meanie, a selfish self-centered woman. 

Sino naman ang hindi diba? Kung lahat ng luho mo ay ibinibigay. Lahat naaabot ng pera. Lahat napapasaya nito, but I stood mistaken dahil sa isang iglap lang parang nawala yung importansya ng pera at ganda sa akin. Mom used to tell me na I am one of a kind, and she was right. I just did not see it back then.

I was under peer pressure. At siguro isang factor dun ang nagtataasang tingin ng mga tao sa akin kaya ganun. Tatay mo ba naman tycoon, Nanay beauty queen, mga kapatid Hot na--no scrap that-nagliliyab sa kagwapuhan at nag-uumapaw sa talino. O, saan ako lulugar doon diba? Kaya dapat lang sigurong makibagay ako, but it hid me to who I really was. It's just sad that I realized everything when all was too late for my liking. When the only person who knew me too well was gone. Jesus! Naalala ko nanaman si Mommy! Get a grip, Lei!

 Whoot so past aside, I'm actually getting ready para sa final interview ko. Kung pagpapalain ay pwede ko pang maka-one on-one ang CEO lalo na kung naimpress ko ang Head HR nila. O, diba! Taray! Pero may ipinagtataka lang talaga ako kaya mas naging excited pa kong makita ng CEO nito. Sa pagkakaalam ko kasi eh successor daw ito ng mga Monterazas. He took over the company for several months now at simula nang pagbalik niya raw dito sa bansa ay nagtop rank na siya sa crappy magazine ng Bachelors and not just that siya rin ang may ari ng isang high grossing company abroad at  kaya daw iyon bumalik talaga ay dahil sa pag-eexpand nito. But one thing that really sought my attention ay ang pagka-pamilyar ng pangalan niya.

 Saan ko ba narinig ang pangalan ng gunggong nato?

Nasa ganong sitwasyon ako ng nagring ang Iphone ko at nagbeep naman ang Skype alert ko. Halos mapatalon na nga ako sa gulat dahil sa pagkabigla. Maryosep, sino nanaman itong magpapa-atake sa puso ko ngayon?  I fished out my phone first dahil ito ang pinakamalapit at saka tiningnan ang Laptop ko.

 My phone highlighted an unknown number while my Skype was actually Nicole. I opted to answer the phone while having Skype with Nic. She probably won't mind.

 "Hello?" sagot ko sa phone habang tinitipa ang keys ng password ko.

Kasabay ng pagluwa ng mukha ni Nicole sa screen ay ang pagtili ng taong nasa telepono ang muntik ko ng ikinahimatay.

The Business AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon