Chapter 22 First Day Spin Off

7.8K 121 5
                                    

First day Spin Off

"Psst, bes. Anong nangyari sa lola mo? Ba't ngiti-ngiti yan ngayon? Nakakatakot pa naman kapag sobra ang saya nyan" narinig kong 'bulong' ni Yna kay Lia habang nagtutupi ng kanyang mga sinukat na damit.

 "Ako pa tinanong mo? Ewan ko diyan. Ang aga niyang gumising kanina pero ang tagal naligo. Di ko alam kung anong ginawa niya nanaman ngayon. God forbid people kung makikita man nilang ganyang ngiti ng bruhilda" sagot naman ni Lia.

 Jusko! Ano na bang problema nang mga tao kapag may ngumingiti ngayon? Pati pagngiti pinagkaka-interesan? Ganun? Sus, wala na talaga silang magawa kundi pansinin ako. Kunsabagay when they can't get rid of me then they can just notice me.

 Mas pinalapad ko pa ang ngiti ko para asarin pa ng asarin ang dalawa kong sissams na pinagchichismisan ako ngayon. Di lang chismis! May kasama pang taas kilay! Mga dugong nato.

 Alam na pala ni Yna ang lahat mula sa mga ginawa ko kahapon pero di pa niya alam ang kaugnayan ko sa mga kapatid ko't sa mga boss na kanyang pinapanaginipan sa gabi. Mahirap na baka madulas pa sa dila niya. Di pa naman ito mapigilan. Ba't ko nasabi? Kasi naman sa lahat ng malinaw na nangyari kagabi ay ang kanya ang matindi. Ibigkas ba daw ng paulit-ulit ang mga pangalan ng kung sino-sino at ina-i love you-han. O diba? Baliw na kaibigan ko dre, hanep. Pati nga si Lia narinig ang mga pinagsasabi niya eh.

 "Ano ba kayo? What's wrong with smiling?" tanong ko sa kanila raising both my brows as I did.

 Tinaasan ako ng kilay ni Lia. "Kung si Yna ngumiti ng ganyan alam kong may hinahalay siya sa isipan pero kung ikaw ngumiti ng ganyan malamang may pinaplano kang kababalaghan" seryoso ang tono nito pero ang pagkakasabi puno ng sarkasmo with matching palipat lipat pa ng tingin sa aming dalawa.

 Nawala yata ang mga ngiti ko sa labi pati na rin ang maamong mukha ni Yna.

*Pak!*

"Aray ko po! Paghinay kuno dai! Dili baya tawn hapakanan ang akong ulo basin gusto ka mamatay. Ipa-expire tikag sayo diha ron"  (Aray ko po! Mag-ingat ingat ka nga! Hindi naman siguro hapasan ang ulo ko noh baka gusto mong mamatay talagang uunahin ko ang expiry date mo ngayon) bisayang sabi ni Lia kay Yna na mas lalo pang nagpagalit dito.

*Pak!*

"Hoy! Tama na! Ang sakit. YNA!!!" di na napigilang sigaw nito. Ako? Hello? Tumatawa lang ako noh.

"Bruha ka! Sabi nang 'wag mo kong bisaya-in diyan eh! Ano yung binulalas mo ha? Ano?!" pasigaw din na sabi ni Yna na parang umuusok na ang ilong.

"Wala--aray! Wala nga. Tanong mo pa kay Lei" hinging tulong nito sa akin pero dahil masaya ako ngayon edi tutulong muna ako...kay Yna. winks

The Business AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon