Chapter 12 Welcome...Surprise?

10.4K 104 11
                                    

Trevor's POV

"Bro, you ready?" tanong sa akin ni kuya habang pababa ng hagdan. Tss. If I know may kalampungan nanaman ito kagabi at umaarte lang na dito siya natulog well in truth ay kararating lang niyan dito sa mansion.

"Don't try to hide it Kuya. Alam kong kararating mo lang. I heard you're engine first thing this morning. Naging alarm clock ko na nga yang kotse mo eh for the past 5 days" madali kong sagot sa kanya kahit di naman iyon ang tinatanong niya.

Dali-dali itong bumaba na para bang may nagkakarera at tinakpan ang bibig ko. Ang bakla lang. 

"Manahimik ka Trevor Ryder at baka marinig ka ni mommy malintikan pa 'ko"

"Well" I said smirking nang makita ko ang isang bulto ng babaeng nakakunot ang noo at pababa ng hagdan kasunod ang isang lalakeng impit na tumatawa. Lagot ka ngayon Terrence

"What did you say Terrence Ace?" malditang tanong ni Mommy.

Sa aming apat kasi dito sa pamilya hindi kami takot na takot kay daddy pagdating sa mga antics at kalokohan namin dahil mostly ay kinukonsente niya pa kami saying na tunay raw kaming Monterazas sa lahat ng ginagawa namin. Mom, on the other hand, ang walang bukas na maglilitanya sa amin.

Kung pasaway si Terrence, pano nalang ako diba? Haha mas malala pa ako diyan. Magaling nga lang akong magtago. Ano pa't bunso ako?

"Good morning mom" tense na bati sa kanya ni kuya while placing a kiss on her cheeks. Makakatikim ka ngayon.  I, too, did the same and we both nodded in dad's direction. Ang kaibahan nga lang, he was sending dad daggers na sinuklian naman ni dad ng mas malakas na pagtawa.

"Manahimik ka dyan Tristan" banta ni Mommy kay Daddy.

"Ano ka ba naman Leanna. Malaki na yang anak mo. Mabuti nga't nambababae yan eh meaning tunay at puro kaysa lalake ang hanapin diba?" sagot pabalang ni daddy na siyang binatukan ni mommy. Now it's my brother's turn to laugh.

"Ahahahaha Dad. Under ka pala eh. Parang mas matinik pa kami ni Trevor kesa sayo. Babae ang humahabol sa amin. Hindi nambabatok" kantyaw ni kuya which earned him a glare from dad. That's a fact.

"I agree" tipid kong sagot. I'm not as wordy as my brother. Parang tinatrato niya ngang chicks si dad ngayon dahil sa dami ng sinasabi parang di lalake. Huh, di uso ang a man of few words sa kanya

The Business AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon