Chapter 26.5 Her Secret

6K 118 10
                                    

Secrets 

 "Do you know each other?" Trevor asked his brother as he kept me close to his body.

"No"

"N-no"

Halos sabay nilang sabi ang kaibahan nga lang mabilis at sigurado ang sagot ni Terrence habang ang kaibigan ko naman ay umiiwas at pumipiyok ang boses na nauutal sa maikling paghindi. Ku-kwestiyonin ko sana kung bakit siya andito at bakit ganun nalang ang asta niya pero madali itong nakahuma kaya nabalik sa akin ang atensyon niya.

"Ikaw, okay ka lang ba? Ha? Nakakahinga ka na ba? May ginawa ka bang bawal lokarit ka? Ano? Sagutin mo po talagang masasampolan kita ng tadyak at batok---" walang prenong tanong niya sa akin habang kapa-kapa ang mukha, gilid, leeg at batok ko. 

"Oo. O-okay nako. Sira! Pati batok?" sabi ko sa kanya sabay yakap kaya napakalas ako kay Trevor. 

"Sure ka diyan ah" sabi niya pa na maluha-luha akong tiningnan. "Oo nga, thank you" sabi ko sa kanya. Nawala saglit ang pagkamuhi at sakit na naramdaman ko kanina dahil sa presensya ng kaibigan kong 'to.They never fail to make me feel better which makes me think.

"Bakit ka pala nandito? Dala-dala mo pa inhaler ko?" bulong ko sa kanya. Naramdaman ko ang paninigas niya kaya nagpakunot ito ng noo ko na siya namang nakita ni Trevor dahil mabilis itong pumagilid sa akin kaya mabilis ding kumalas sa yakap si Georgina.

"I should bring you back to the room" putol ni Trevor. Nabagsak tuloy sa kinailaliman ang dapat na sasabihin ko sa kaibigan ko.

"I also think so" Terrence but in closing a smaller distance from the four of us. Two vesus one? Wala akong laban so I just nodded as exhaustion, hurt, stress and my problem dawned upon me. Hinigit ni Trevor ang isa kong kamay at papaalis na sana kami ng may isa namang pumigil. Tug of war? 

Bumungad sa akin ang di mawaring mukha ni George. Nagpalipat-lipat sa amin ang tingin niya at nang maibalik uli iyon sa akin ay tinaasan niya ako ng kilay at kinaladkad papalayo ng kaunti.

"Ikaw, magsabi sabi ka nga sa akin. How did you know them and what did that guy say? I-uuwi ka sa kwarto?" Tanong nito sabay duro pa sa mukha ko. It took me minutes para maintindihan ang ibig sabihin ng tanong niya at nung gets ko ay lumaki ata ang mata ko at di napigilang mapalabi. Jeez, I didn't want them or her to now it this way. 

Tumakas nanaman ang kilay niya sa expression ko. "Ano na?"

I pulled her close at bumulong. "I will explain this George but not tonight. Mahaba-habang kwentuhan." Mas lalo yatang di mapinta ang mukha niya sa sinabi ko. "Ano? Bakit? May tinatago ka ba ha? Sinasabi ko sayo--

"Shh. Sasabihin ko nga but not tonight. I badly need some sleep. Promise, palipasin mo lang 'tong gabi 'to at sasabihin ko na sa inyo" putol ko sa kanya na tumataas ang boses. Mahirap na baka marinig pa ng dalawa. May pag-aalinlangan sa mukha niya pero napasadahan niya ako ng tingin at bumunot nalang ng isang malalim na paghinga at tumango.

I don't know how bad I look pero that's less of what I care as of the moment. Nagpapasalamat na lang rin ako dahil naawa yata itong kaibigan ko sa hitsura ko ngayon. I turned to head back nang madako ang tingin ko kay Terrence which made me thinking for the second time. "May dapat ka rin palang i-chika sa akin, Georgina" sabi ko sa kanya pero nakatingin pa rin ako kay Terrence.

"Ha? A-ano--wala ah!" Pa-maang-maangan pa 'to eh huli ko siya kanina eh. I faintly smiled and walked my way to Trevor at saka bumalik na sa kwart namin. Lahat talaga may tinatago. At ano 'yun? Namin? Seryoso?

The Business AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon