Chapter 7

10.8K 123 2
                                    

Phew! Muntikan na yun ah!

 Nandito ako ngayon sa may ladies cr at mukhang tangang kinakausap ang sarili ko. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw diba? Nag-apply nga ako dito dahil wala pa itong impluwensya ni dad at ngayon nama'y makikita ko itong palaboy-laboy rito?! Punyeta lang!

Ilang minuto rin ang tinagal ko sa loob ng cr na yun nang napagpasyahan ko na ring lumabas. Siguro naman nakaalis na si dad. 

 Hinay-hinay akong humakbang at parang NBI kung magmasid sa kabila't kanan. Muntik ko na ngang mabungo ang isang babae doon. Mabuti nalang talaga at medyo busy rin siya kaya hindi niya ako nakita.

I was nearing the door and actually felt relieved dahil malapit na akong makalabas ng buhay ng may boses akong nausigan. Ang masaklap pa nito ay alam niya mismo kung sino ako.

 "Alessandra Denise"

 Ugh, ang talas rin ng mata! Kainis! Magpapalapa nalang siguro ako doon sa may kanto kesa makita ang pagmumukha niya ngayon!

 Hinanda ko muna ang aking postura bago humarap sa kanya. Babaeng babae nga ang peg ko ngayon diba?

 Bago pa man ako tuluyang makipagtalasan ng tingin sa aking ama ay nagsi-unahan na ang mga bulong-bulungan ng mga empleyado malapit roon.

 "Sabi ko na nga ba eh, siya si Alessandra Denise Sortilejo!"

"Nagbalik na pala siya?"

"Oo nga, balita ko nawala ang nag-iisang prinsesa ng mga Sortilejo"

"Chaka! Hindi no. Nag-iba raw siya!"

"Kaya pala parang pamilyar siya"

"Talaga, sa ganda niyang yan? Lahat yata pati bata may inggit o paghanga sa kanya!"

"Ang ganda niya!"

 "I know right! Pero bakit siya nandito?"

"Di niya ba babatiin ang papa niya?"

 "Alam mo gurl, bagay sila ni Sir"

"Ay hinde! hindi pwede! akin lang siya bakla!"

"Chos, para namang papatol yun sa sirena"

"Gays run the boys nga!"

Wow ganun ba kalantad ang pag-iiba ko at miss na miss na ako ng chismis!? Nireto pa ako sa boss!

 Before I gave a damn on those chicas ay narinig ko ulit ang pagtawag ng pangalan ko. Ngayon ay nagkaharap rin kami ni dad.

The Business AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon