Chapter 29 The Wedding (part 1)

5.4K 119 12
                                    

The Wedding (part 1)

"It's a wrap! Elsie, pwede mo na silang bihisan." sigaw ng photographer bago sila nagsimula sa pag-aalsabalutan ng mga kagamitan.

 

"Okay po!" patakbong lumapit sa akin si Elsie na may nakakainat na ngisi sa mukha. Isa pa 'to. Paano siya nasangkot sa parteng 'to?

 

"Lei! Oh my gosh, ang gaganda ng shots. Nakita mo na ba? Dmd. Di ko kinaya! 'Yung mga titigan, hawakan, lapitan, akapa---" Pinandilatan ko siya ng mata at bahagyang kinurot ang tagiliran.

 

"Sa tingin mo ba nakita ko na eh kakatapos lang nang shoot diba?" Pasimpleng kong sabi sa kanya sabay panlalaki ng mata na paulit-ulit kong pinaikot papunta sa direksyon ng katabi ko. Pahamak 'tong babaeng 'to. Hello? Nasa tabi ko pa ang lalakeng yelo kung umasta!

 

Kanina pa di umiimik si Trevor. Pagkatapos niya akong pabidahan ng mga linya niya ay di na niya ulit ako kinausap. Di ko alam kung saan ang mas nakakatakot. Ang nanggagalaiti niyang aura o yung parang wala lang pero kung umasta talbog niya pa galit ni Dad o yung di niya ako pinapansin at pakiramdam ko pasanin niya ako sa araw na ito?

 

"Ay, pasensya na. Mr. Monterazas, may naghihintay na po sa tent niyo. Kukunin ko lang po muna si Ms. Sortilejo" paalam niya kay Trevor nabusy sa pagtipa sa cellphone niya.

 

Pasimple ko siyang binantayan through my peripheral vision and I saw him giving her a small smile before he nodded. Akala ko magpapalam siya sa akin since kailangan pa rin naming magpanggap diba? Saka ibang tao pa rin naman si Elsie pero laking surpresa ko nung dinedma niya lang ako at umalis papunta ng tent niya.

 

I felt a foreign feeling I don't want to name kaya tinuon ko nalang ang pansin ko kay Elsie na parang walang napansin. Nangingisay nitong kinawit ang kamay niya sa braso ko at parang lindol akong niyugyog.

 

"Oh My Gosh ginagawa mo akong teenager! Diyos ko po inday! Kilig-kilig you two over there. Hawak-hawak, hugs-hugs, tunaw tunaw titigs-titigs. Luh, kumekerengkeng ka ah! Ang landi landi!" impit impit na sabi nito sa akin habang naglalakad kami papunta ng tent hanggang sa makaupo ako sa vanity chair ay wala pa ring kupas ang pagkahigh niya.

 

"Ikaw! Kung hindi pa ako sinabihan ng agency na naghahanap sila ng mag-aasist dito at kung hindi pa nila binanggit ang pangalan mo. Naku! Masusunog ko yang katawan mo dahil di mo manlang ako nainform na ikakasal ka na at ni hindi mo ako naisipang i-hire!"

 

Walang tigil nitong pagsasalita habang ako'y ngumingiti ngiti lang ng kaunti. I was pulling pins from my hair nang mapadako ang tingin sa repleksyon ko sa salamin. I don't know how girls look like when they're after doing some miracles but I sure was hell na ganoon ang mukha ko ngayon. I blushed at such a green thought. Stop it, Lei!

 

Ruffled hair, sweat all over my collarbones na mas nag-accentuate pa dito, swollen lip and tired but sparkling eyes. Nasan na 'yung makeup artist nang mapasalamatan? Ngayon ko lang nakita ang mukha ko na ganito ang estado.

 

"Jusme, Ikaw hindi ka na dumaldal ah! Pero to be honest,akala ko talaga Lei walang lalake ang tatalo sayo. Eh kasi naman mas sisiga ka pa kumilos sa lalake. 'Ni wala ka ngang pakialam nung lapain ng bading ang kapitbahay kong gurang eh, maghanap pa kaya ng lalakeng pagtitiisan. Infairness naman, hindi kung sinu-sino ang napali mong pakasalan. "

The Business AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon