Chapter 15 Dinner and Beastfriend

9.4K 101 4
                                    

Lei's POV

 Ugh, ba't ba kasi ang taas-taas ng pinili ng lalakeng to eh di naman siya ang magsusuot. Pambihira. Nagkakanda ugit-ugit na ako sa kakalakad 'tas sa kanya wala man lang hirap? Argh, okay naman ang suot ko kanina ah? Ba't kailangan pa ng mga ganito? Ang daming kaechosan eh kakain lang naman. Bwiset

"Don't you know how to walk like a lady?" inis na tanong niya sa akin.

"Bakit may proper na paglakad na ba ngayon? Di ako beauty queen para mag-aral ng postura ng paglalakad kaya wag kang maarte" galit na tugon ko sa kanya at una nang naglakad patungo sa taxi stand.

Papalabas na kami ng mall kung saan niya ako pinagbihisan keso ang pangit ko raw manamit para sa dinner eh malay ko bang nakagown dapat. Wala naman silang sinabi eh inimbitahan lang naman ako saka kakain lang kami ang gagara pa rin ng susuotin? Sayang lang sa pera.

"Where do you think are you going?" nagtitimpi niyang tanong habang hawak hawak ang isa sa braso ko. Electricity.

"Malamang maghahanap ng taxi para makapunta sa restaurant at makakain nang makauwi"  sabi ko habang mabilis na hinawi ang kanyang kamay.

"tss, tanga" pabulong niyang sabi

"Ano? Ako tanga? Hoy, walang hiya ka ah!"  bulyaw ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako papunta sa kotse niya.  A lot were staring at us. Iba pa nga nagbubulong-bulungan eh rinig ko naman.

'Ang sweet nila noh'

'Bagay sila! Sayang ang gwapo pa naman ni kuya'

'Ang ganda niya noh! Pero teka parang familiar ang mukha nilang dalawa'

Shemay!

Imbes na patuloy na magmaktol eh napatikom ako nang bibig sa reviews na binibigay nila sa aming dalawa. Nahiya naman tuloy ang beauty ko kaya nakayuko nalang ako habang hinihigpitan ang hawak ko sa kamay ni Trevor. Naramdaman ko rin na nagslow ang pace namin kaya mas napatagal pa ang pagkakarinig ko sa bawat compliment ng mga tao. Maria! Namumula na ako! Plus, idagdag mo pa ang paglapit ni Trevor sa akin.

 He placed his hand on my waist and moved me closer to his body letting me feel his warm breath near my ear. Jesus Christ!

"You're blushing" he said and I felt like he dropped me a metal ball. Kailan pa ako natutung magblush? Hoooo, ba't ang init? Jusko po, wag niyo akong ipahiya ng ganito! I carefully looked up to see him and there he was, smiling towards the crowd as he gave me his infamous smirk. What a man!

"Shut up" may halong pagbabanta kong sabi. Sa wakas nasa kotse na rin kami kaya free na free siyang humagalpak sa kakatawa. In all fairness, he looks good without his sour mood. I continued to glare at him as he started the engine enjoying the bluntness of my red cheeks. "I love it though. Di ko alam na marunong ka pala magblush" sabi niya.

"Di ko nga rin alam na marunong ka pala tumawa" balik sagot ko sa kanya which made him pause for a moment. His smile faded away as he set his eyes on the road. Oh, so its always me and my smart mouth. Way to go Lei! God, please note the sarcasm.

The Business AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon