Chapter 24 Monterazas' Mark

7.4K 139 14
                                    

Monterazas’ Mark

“Grabe, di ko talaga inaasahang ganoon ang mga saltik ng mga lalakeng kinatatakutan sa loob ng board room. Ikaw lang pala katapat ng mga kapatid mo? Edi sana pala nagpaprint nalang ako ng mga pictures mo para di na kami mapagalitan palagi!” basag katahimikang sabi ni Lia sa tabi ko.

“Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan?” tanong ko sa kanya na hinuhubad ang tsinelas.

Naglalakad kami ngayon sa may tabing dagat. It’s still early morning kaya di pa nagsisimula ang activity for today. Kaming dalawa lang kasi  nakalock pa ang door sa kwarto ni Yna. Di pa siguro nagigising ‘yun lalo na’t marami-rami siyang hinalay sa paint war kahapon. Ngayon, naalala ko naman. Paint War.

I blush at the thought. Pagkatapos na pagkatapos nung…nung…nung alam niyo na eh di ko na kayang maging malapit man lang sa kanya. Torture na nga ‘yung dinner kagabi na magkatabi kami ano pa kaya nung magkashare pa kami ng kwarto?  Halos mapanis na yata ang laway ko sa pagkatikom ng bibig ko at dalasang paglunok lalo na’t  mas naalala ko sa pagtulog na magkatabi kami kapag gumagalaw siya na nadadala ang kama.

Di pa nakakatulong ang paminsan-minsang skin contact namin kapag nasobrahan ang kilos. Feeling ko tuloy sinadya ang liit ng kama namin. I vividly remember the stares I got from my brothers at ni Terrence na siya palang nagtulak sa likod naming dalawa kaya’y kinailangan naming sumubsob sa ilalim dahil sa kawalan ng space then that ‘thing’ happened. Di rin lumagpas sa aking mga mata ang tingin nina Mama Leanna at Papa Tristan and of course Dad but I don’t know if nakita nila.

 I was too pre-occupied actually when I met his gaze, when he told me I wasn’t a prude and when I saw a ghost of  a smile in his lips nung umahon kami at ang mababaw na kaligayahan niya sa pagtawag ng ‘stiff’ sa akin. Naging conscious tuloy ako sa halik na ‘yun. Di naman siguro ako tuod noh! Alam ko naman siguro humalik. Kakahiya!

Bakit sa lahat ng pagkakataon eh nasa pool kami palagi? Sa susunod talagang susumpain ko talaga ang lahat ng swimming pool sa mundo! Sisiguruhin ko rin na hindi sa swimming pool mangyayari ang honeymoon namin. Promise talagang di ako papayag na----

Bakit ka nag-iisip ng honeymoon Lei!?

Literal kong sinabunutan ang sarili ko dahil sa kadumihang iniisip. Oo, madumi ang honeymoon.

“Psst, anong kahibangan ang sabunutan ang sarili Lei? Kay aga-aga tinotopak ka” saad sa akin ni Lia na nakacross arms at parang nahihiyang tinitingnan ako at ang mga nadadaan na tao.

Natigil ako sa ginagawa ko at inangat ang tingin sa kanya. “Di kop o siya kilala! Ah-aray” sigaw niya sa isang couple na pinagtitinginan kaming dalawa.

“Ikaw, tadyakan kita diyan eh. “ sabi ko na pinipingot ang tenga niya at kinaladkad papunta sa isang sulok na may shadow ng puno.

Umupo kami sa isang tanning bed doon at nagpasilong. “Ang brutal mo talaga. Di kapa nakuntento sa kurot may kasama pang pingot at kaladkad? ‘Tas di ka pa pala nakikinig sa mga sinasabi ko! Walangya ka” sunod-sunod nitong sabi sa akin na hilot-hilot ang namumulang tenga.

The Business AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon