Chapter 3

158 0 0
                                    

"Hoy tabaaaaaaaaa!" Sino bayung kumakatok nayun? kainis naman eh! aga aga pa kaya -.-

"Ano?!"

"Hoy! napaka mantika mo talagang matulog!" Tumingin ako sa orasan.

"Halaaa! 9:00 na! sorry panget, kakagising ko palang hintayin mo nalang ako jan sa sala. Maliligo na ako!"

"Aish! stupid!"

Binilisan ko ng maligo pero siyempre naligo naman ako ng maayos. Nag bihis na tapos nag ayos na ako. Simple lang naman akong babae eh.

Lumabas na ako ng kwarto ko tapos nakita ko siyang parang may katxt siya kaya hindi ko muna siya tinawag. Kunyari wala nalang akong nakita.

"Kanina kapa?"

"Ay palaka!"

"Napaka gwapo ko namang palaka!" tapos tumawa siya ng malakas.

"What's funny?"

"Nothing! tara na nga!" pag aaya niya sakin pero hindi parin matanggal sa labi niya yung mga ngiti niya.

Pumasok na kami ng kotse, siyempre pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman niya kahit napaka bad boy -.- .

"Bakit kanina kapa tahimik jan?" sabi sakin ni klarenze na parang nag aalala.

"Wala gutom lang siguro ako."

"Gusto mo ng Ice cream?" ice cream ba yung narinig ko?

"Sige tara!"

"Wait lang! pagdating talaga sa ice cream ang galing galing mo!"

"Whatever!" tapos nag rolled eyes ako.

Nandito na kami sa DQ as usual dito naman kami palagi pumupunta nung bata palang kami.

"Strawberry?" nag tatanong pa alam naman pala niya. Tapos sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga sabi ko nga!"

Bumili na siya sa counter tapos malaki yung binili niya. Haha alam naman kasi niya mag tatampo ako pag maliit yung binili niya. Hahaha.

"Oh eto na! kaya ka tumataba eh!"

"Akin na nga . Treat mo diba?"

"Oo na."

Kumain lang kami ng kumain ..

"pwede bang mag tanong?"

"Nag tatanong kana diba?" tapos nakita kong nag pout siya.
Please wag kang ganyan, ang cute cute niya kasi eh.

"Anong tanong mo?"

"Wala! tara uwi na tayo!" hala nag tampo ata.

"Bat uuwi na tayo?"

"Pagod na kasi ako eh."

"Hala sus sorry na tampo naman siya agad."

"Tara na umuwi na tayo madilim na rin sa labas."

Hindi ko nalang siya napilit kasi kilala ko siya kung kailan siya seryoso at kung kailan siya makikipag biruan.
Kinuha ko yung susi sakanya kasi alam kong may problema siya.

"Akin na yung susi"

"bakit?"

"Basta akin na lang!" hindi naman siya nakapalag tapos binigay niya narin.

"San tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan maraming pagkain." nakita ko namang napangiti ko siya.

"Mukha ka talaga pagkain kahit kailan."

Nandito na kami sa isang convenience Store. Umorder ako ng dalawang cup noodles kasi malamig dito.

"Tara upo tayo don, may pag-uusapan tayo." nag tataka yung mukha niya. tapos umupo na kami sa labas yung may lamesa don. Malamig kasi sa loob eh. "Oh noodles!" tapos kinuha niya yun.

"Alam kong may problema ka panget, hindi ka naman ganyan eh! nandito lang ako para makinig." sandaling katahimikan din yung nangyari tapos bigla nalang siyang nag salita.

"Gill kasi ano eh.." ngayon nalang siya naging seryoso ng ganyan. Kaya nag seryoso narin ako.

"Bakit ano yun klarenze?"

"Kasi ano eh.. Mahal ko parin si Yvonne." nasaktan ako sa sinabi niya. Ang sakit sakit kasi mahal niya parin yung babaeng minsan na siyang sinaktan. Kaso wala akong karapatan kasi kaibigan niya lang ako. Pinigilan ko lang yung sarili ko.

"Alam ko naman yun Klarenze eh. Pero Klarenze sinaktan ka niya.. Ayos lang ba yun sayo? pinagpalit ka niya ng harapan, Sa harap mo pa mismo.

"Kahit na ganon yung ginawa niya sakin. Mahal ko parin siya! kahit na hindi niya na ako mahal.. Mahal na mahal ko padin siya." ang sakit ng puso ko parang dinudurog ng pakonti konti. Dapat talaga umuwi na kami eh!

Hinawakan niya yung kamay ko..

"Gill tulungan moko! tulungan mo kong maibalik siya sakin."

"Oo Klarenze tutulungan kita sa abot ng aking makakaya" kahit ang sakit sakit na..

Fake LoversWhere stories live. Discover now