Klarenze's POV
Isang oras nalang mag sisimula na yung wedding namin ni Yvonne, para akong masaya na malungkot. Bakit ba iniisip ko si Gill eh ikakasal na ako kay Yvonne.
"Pare! wag kang kabahan! kaya mo yan."
"Goodluck pare!"
"Mamaya hindi kana single"
"Baliw talaga kayo! Pinapakaba niyo ako lalo eh!"
"Sir okey na po ba kayo?" tanong sakin ng staff manager ng kasal.
"Oo okey na ako."
"Sige Sir mag sisimula na po yung kasal"
"Hoo! kinakabahan ako!" sabi ko sa sarili ko habang kinakaskas yung dalawang palad ko.
"Go pare!"
Lumabas na ako ng kwarto tapos lahat ang ganda! sobrang ganda! ang perfect perfect ng kasal namin.
Ang daming bisita, nandun yung mga Classmates namin. Kaso wala, wala si Gill. Natanggap niya kaya yung invitation ko?Bigla ng bumukas yung pintuan at pumasok si Yvonne sobrang ganda niya. Para siyang prinsesa sa ganda.
Hindi ako makapaniwala na ikakasal na kami.Habang nag lalakad siya papunta sakin, parang may mali .. Bakit si Gil? bakit si Gil yung nakikita ko?
Pumikit ako para matauhan ako. Nung natauhan ako sobra na siyang lapit sakin. Tapos kinuha ko yung kamay niya para alalayan siya.
"You are so gorgeous babe!"
"Thank you babe! Ang pogi mo rin."
Humarap na kami sa altar para makinig sa pare.
"Ikaw Ms. Yvonne Cruz tinatanggap mo ba si Mr. Klarenze Ramos sa iyong buhay. Sa hirap at ginhawa sa lungkot man o saya?"
"Yes Father I do!"
Habang sinabi yun ni Yvonne walang pag aalinlangan. Alam mo talagang galing sa puso.
"Ikaw Mr. Klarenze Ramos tinatanggap mo ba si Ms. Yvonne Cruz bilang kabiyak na iyong puso. Sa hirap at ginahawa sa lungkot o saya?"
-------
Miss author:
Hindi makapag salita si Klarenze, naguguluhan siya kung ano yung isasagot niya.
Naguguluhan na yung mga tao dito sa simbahan. Yung iba nagbubulungan na.
"Babe?" sabi ni Yvonne
"Babe sorry..."
"Anong sinasabi mo Babe? hindi kita maintindihan."
Hinawakan ni Klarenze yung kamay niya tapos hinalikan siya sa noo.
"Sorry..."
Tapos biglang tumakbo si Klarenze hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Naiwang umiiyak si Yvonne, sinubukan niyang habulin si Klarenze kaso pinigilan siya ng mama't papa niya.
Biglang may nag text sa cellphone ni Klarenze..
From kiel:
Bro! pupunta na si Gill ng U.S. Kung gusto mo siyang habulin, Nandon siya ngayon sa Airport. Bro! pigilan mo siya kung mahal na mahal mo talaga yung kapatid ko. Kasi bro! mahal na mahal ka niya.Tumakbo siya papuntang airport. Wala siyang pakialam kung pinag titinginan siya ng mga tao dahil sa suot niyang pangkasal.
Gill hintayin mo ako jan.. Mahal na mahal kita!