Gill's POV
Matutulog na sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko.
"hello?"
"taba! punta tayo tagaytay ngayon! sunduin kita dyan! i ready mo na yung gamit mo!"
"HA? NGAYON AGAD?"
"oo, narinig ko kasing pupunta daw si Yvonne tsaka si Yuan dun ngayon!"
"oh? e ano naman kung pumunta sila?"
"siyempre susundan natin sila! sisirain natin yung date nila"
"alam mo ikaw! kung ano anong pumapasok dyan sa utak mo! matulog ka na nga!"
"sige na tabaaaa.. pretty pretty pleaseee"
"tumigil ka na nga! inuuto mo lang ako eh!"
"sige naaaa..."
"aissh! sige na nga! kainis to!"
binaba ko na kaagad yung tawag tapos nagpaalam kila daddy.
Pumayag naman siya agad. Sabi pa nga niya mag enjoy daw ako.Pagka ayos ko ng mga gamit ko bumaba na ako sa may sala para hintayin si Klarenze.
beep..beep..beep..
Pagkarinig ko nung busina niya lumabas na agad ako dala yung mga gamit ko.
"baka gusto mo naman akong tulungan diba?" sabi ko sa kanya pagkalabas ko ng gate
Binuhat nya agad yung mga gamit ko tapos nilagay sa may back seat kasama ng mga gamit niya.
Pinagbuksan nya na ako ng pinto.
Tapos pumasok na rin siya."ang lakas ng sapak mo sa utak ee no?"
"bakit nanaman?"
"siguraduhin mong makakapag drive ka ng maayos ha! siguraduhin mong hindi ka aantukin! Yari ka kay daddy kapag naaksidente tayo!"
"wag kang mag alala! magiging safe tayo!"
"siguraduhin mo lang!"
"Yes boss!" sabi niya tapos nag salute .
Nung nagsimula na siyang mag drive natulog na ako.
----
TAGAYTAY
"Tabaaa! Gising ka na! andito na tayo!" sabi ni Klarenze habang tinatapik tapik yung pisngi ko
"ihhh antok pa ko! five minutes pa!"
"nakailang five minutes ka na eh!"
"Last na talaga!"
"Bangon na!" sabi niya sakin tapos hinila ako.
Pagkamulat ko ng mata ko ang lapit na nya sa akin
The efff!Lumayo agad ako sa kanya.
"ano bayan! ang aga aga mo talaga lagi mang istorbo -.-
"Tara na yung sinusundan natin nandon na oh! nauuna na."
"Oo nga eto na nga eh."
Tumayo na ako tapos inayos yung sarili ko. Tapos pumasok kami sa isang hotel kung saan doon din naka check in sila Yvonne tsaka si Yuan.
Pumasok na kami ng kwarto. Isa lang yung kwarto kaya magkasama kami ni Klarenze dito. Hindi naman kami mag tatagal dito.
"Ok na ba yung mga gamit mo taba?"
"Oo ayos na bakit?"
"Tara dun tayo sa mga kabayo. Sakay tayo dali! nandun sila Yvonne."
Hindi nalang ako tumanggi, yun naman kasi talaga yung pakay namin dito.