Chapter 14

88 1 0
                                    

Gill's POV

Isang linggo narin yung nakalipas simula nang mag usap kami ni Klarenze. Yung umamin ako sakanya. Minsan nag tetxt siya sakin, kinakamusta ako, nag sosorry sa lahat ng nangyari sa lahat ng ginawa niya. Pinapatawad ko nanaman siya pero hindi ibig sabihin non na nakalimutan ko na yung mga nangyari. Tsaka marami naring nag bago saming dalawa hindi na kami close kagaya ng dati. Hindi na kami nag aasaran.

Napapansin ko narin na parang nag kakamabutihan na sila ni Yvonne pero sakin ayos lang. Yun naman talaga yung goal namin dati pa, yung maging sila ulit.

Palagi ko silang nakikitang magkasama sa canteen, sabay silang kumakain, hatid sundo ni Klarenze si Yvonne.

Bakit ganon nalang kadali kay Klarenze na kalimutan ako, na iwasan niya ako. Mag bestfriend kami dati palang nung mga kinder pa kami. Ako yung palaging nag tatanggol sakanya sa mga bumubully sakanya.

Klarenze miss na miss na kita..

Pero alam kong hindi na mababalik yung dati.. Yung dating magkasama kayo sa lungkot man o ligaya. Magkasama kayong kumain ng paborito niyong Ice cream.

Pero hanggang dati nalang lahat ng yon..

"Ms. Torres! kanina pa kita tinatawag!"

"Ay, Mam sorry po !"

"Ok, I have a question for you."

"Kung ikaw ang papipiliin past o future?"

Anong connect naman niyan sa english? present perfect tense ganon? Nasa Miss Universe naba ko? Haha. Nakakawala ng stress tong si mam eh.
Tinignan ko si Klarenze pero nakatingin lang siya sa notebook niya.

"Para po sakin mam Past! kasi sa past maraming mga pangayayaring masasayang balikan mga nangyaring kay sarap pakinggan. Kesa sa Present na iba na. Ibang iba na sa dating kayo! kaso mam past nayun eh.. Ang mga past hindi na binabalikan." nag bow ako tapos nag palakpakan yung mga classmates ko.

"Mukhang may pinanghuhugutan ka Ms. Torres ha!"

Meron po talaga! pero hayaan na natin yun PAST na yun tsaka lahat ng yun puro FAKE. I hate FAKES talaga! -.-

Natapos na yung klase namin. Pumunta muna ko sa locker ko para ilagay yung ibang libro ko ang bigat kasi eh. Mahirap talagang maging masipag.

Pagka bukas ko ng locker ko merong isang Envelope na lagyanan ng isang letter. Binuksan ko yun tapos isang sulat.. Isang sulat mula kay past.

Dear Gill Torres,
        Alam kong maraming nag bago sating dalawa. Alam kong galit ka parin sakin ngayon. Kaya sorry! Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry kasi napaka selfish kong tao, Sorry kasi pinapagod kita na hindi ko manlang napansin, Sorry kung inisip ko lang ung pansariling saya ko. Pero sana, Gill mapatawad mo ako. Bigyan mo ako ng chance yung pagiging magkaibigan natin. Halos 16 years narin ang nakalipas.

Kami na pala ni Yvonne, salamat Gill salamat kasi lahat ng yon dahil sayo. Kaya sobrang thank youu. Mahal niya na ulit ako..

Mag iingat ka palagi. I love you Bestfriend..

                                 Pogi mong kaibigan,
                                     Klarenze Ramos

Fake LoversWhere stories live. Discover now