Chapter 15

90 1 0
                                    

Klarenze's POV

1 message received
From:Yvonne
Pede ba tayong mag-usap?

Napabalikwas ako sa kama dahil sa nabasa ko.
Usap daw men! Ito na yung pagkakataon ko.

To:Yvonne
Oo naman, saan ba?
*sent*

1 message recieved
From:Yvonne
Sa park kung saan tayo nagsimula.

Tumayo na agad ako para magbihis.
Pagkababa ko dumiretso na agad ako sa kotse ko.

Nagdrive na agad ako papuntang park. Habang nagda drive ako nadaanan ko yung DQ.
Naalala ko tuloy si Taba. Kamusta na kaya siya? Antagal na rin naming hindi nakakapag usap. Miss ko na siya.

Naisipan kong bumili ng ice cream para kay Yvonne.

"anong flavor sir?"

"strawberry..."

Strawberry yung favorite na flavor ni Gill. Miss na miss ko na talaga sya. Gusto ko nang bumalik ka sa dati...

Pagkabayad ko dun sa cashier pumunta na ulit ako sa kotse ko.

----

Pagkadating ko sa may park natanaw ko na agad si Yvonne.

"kanina ka pa dyan? sorry ahh. Dumaan pa kasi ako sa DQ eh!"

"hindi naman. Kararating ko lang rin"

Inabot ko sa kaniya yung ice cream na binili ko para sa kaniya. Pagkakuha niya sakin nung ice cream nginitian niya lang ako.

Umupo kami sa may bench. Habang kumakain siya ng ice cream nag open ako ng topic.

"naaalala mo pa ba yung dati? ang saya saya natin. Lagi tayong nag aasaran..."

"Sorry Klarenze kasi alam kong nasaktan kita. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo..." sabi niya sakin habang umiiyak

"Nagbreak na kami ni Yuan. Niloko niya ako.. Nangyari sa sakin lahat ng nangyari sayo.. Kya ngayon alam ko kung gaano ka nasaktan dahil sa ginawa ko.. Klarenze ang sakit! ang sakit sakit..." bigla ko siyang niyakap.

"ssshhh... Ayaw kong umiiyak ka kaya tumahan ka na! Tignan mo oh! Matutunaw na yung ice cream sayang yan. Ang mahal kaya niyan!"

Bigla siyang tumawa dahil sa sinabi ko.

"baliw ka talaga!" sabi niya sakin tapos hinampas ako ng mahina sa braso

"ayan.. Mas maganda ka kapag naka ngiti"

Nginitian nya lang ako

"Yvonne.. May sasabihin ako sayo.."

"ano yun?"

"yung samin ni Gill.. Lahat ng yun hindi totoo. Fake lang ang lahat.."

Bigla siyang napatingin sa akin..

"what?"

"ginawa lang namin lahat ng yun para pagselosin ka.. Yvonne mahal na mahal kita! Lahat na ng paraan ginagawa ko para lang bumalik ka sakin. Ngayon kasama na kita kaya sobrang saya ko!"

"Sorry Klarenze ha! Promise ko sayo babawi ako. Mahal na mahal din kita!"

"Ang buong akala ko hindi kana babalik sakin. Kala ko hindi mo na ko mahal pero kala ko lang pala yun. Salamat Yvonne!"

Tapos niyakap ko siya ng mahigpit sa sobrang saya ko..

"Ah.. Kla..Renze"

"Ay sorry, Sobrang saya ko lang! tara hatid na kita.."

Sumakay na kami ng kotse hanggang sa makadating kami sa bahay niya.

"Goodnight, sweet dreams! Yvonne. Iloveyou!"

"I love you too ingat ka"

Tapos kiniss ko siya sa noo at tuluyan na akong umalis..

Fake LoversWhere stories live. Discover now