Gill's POV
"Hoy mantika ka nanaman matulog jan! gumising kana!" pag gigising sakin ni kuya kiel. Nang mahipo niya ako nagulat siya. "Ouch! Ang taas ng lagnat mo! parang pwede ng mag prito ng itlog jan sa noo mo ha. Wag ka nang pumasok muna Gill ha. Dito ka lang muna sa bahay. Ipagluluto kita ng breakfast, lunch, at pang hapunan mo para hindi kana mag kikikilos. Saglit lang ha! bibili lang ako ng gamot mo."
Ang sweet sweet naman ng kuya ko. Dapat pala palagi nalang ako magkakasakit eh para mabait siya sakin.
"Oh eto baby, bumili na ko ng anim kada 4 hours iinomin mo yan. Okey? wag ng maarte alam kong ayaw mo sa gamot. Iinomin mo to o iinomin mo to!"
"Ku..ya.. wala namang pag pi..pilian don eh" nanghihina parin talaga ako. Kailangan ko makabawi sa mga pagod ng katawan ko.
"Sige na baby! wala kami dito ng kuya mo kaya mag behave ka dito. INOMIN MO YUNG GAMOT!"
"Opo iinomin ko. Sige na baka malate ka pa kuya"
"Sige Gill, I love you !"
"I love you too kuya!"
Ang sweet niya talaga sakin.
"Mawawala din pala kami mamayang gabi bukas na kami makakauwi. Kailngan namin tapusin yung project namin eh. Kaya sorry baby ha!"
"Ayos lang kuya.. Gan..yan naman kayo sa..kin eh!"
"Eto talaga! may sakit na nga nakuha pang humugot sige na baka malate pa ako."
"Bye kuya! ingat!"
Pag kauwi ko sa bahay kagabi, nahihilo na ako hindi ko lang pinapahalata kay Klarenze. Pagod kasi ako nung maulanan ako tapos naligo pako tapos biglang sumabay naman yung agarang uwi namin kaya ayun. Bigti na Gill!
Tinignan ko kung ano yung niluto ni kuya para sakin. Nagluto siya ng cornbeef na may repolyo may favorite. Tapos sa breakfast ko nagluto lang siya ng bacon.
Kumain na ako gutom narin kasi ako. Kumain ako ng marami para mawala na tong lagnat ko. Ayoko talagang umiinom ng gamot kaya hindi ko nalang iinomin yan. Ayoko talaga!
Nakita kong may planggana na may towel tapos tubig na maligamgam. Ang sweet sweet talaga ng kuya ko.
Kinuha ko yun para ipahid sakin. Hindi ko kayang tumayo kasi mahihilo ako pag tatayo kaya nagpupunas ako nang nakahiga.Mag hahapon na pala naimulat ko yung mata ko sa sinag ng araw. Mag sasunset na. Nawalan ako ng gana kaya humiga lang ako. Nang dumating yung gabi sobra akong nilamig, Sobrang lamig kaya nagkumot nalang ako at sumiksik. Hindi ko na kaya! nanginginig ako na ewan. Para akong nahihilo.....
----
Klarenze POV
"Bakit kaya hindi pumasok si Gill ngayon? ano kayang nangyari. Ni hindi manlang nakuhang itxt ako. Nakakainis talaga yung taba na yun! gustong gusto akong pinag aalala."
Nakinig nalang muna ako sa lahat ng Subject teachers ko. Hindi ko namalayan na uwian na pala kasi naiisip ko tong si Gill eh.
Mag gagabi na. Pumunta ako sa bahay nila Gill. Nung kumatok ako walang sumasagot tapos nung inikot ko yung door knob bukas siya kaya pumasok na lang ako.
"Gill?" wala paring sumasagot. Pinag aalala ako nung babaeng yon talaga pasaway.
Pumasok ako sa kwarto niya at nakakita ako ng mga pagkain, gamot at planggana na may towel. At biglang napatingin ako sa kama na natutulog.
"Hoy Gill! bakit hindi ka pumasok ha! tapos natutulog kalang pala jan!"
Lumapit ako kasi wala manlang siyang response. Balot na balot siya ng kumot, nang mahawakan ko yung braso niya para maiharap ko siya..
"Shit ang init mo! Gill!" ginigising ko siya pero hindi siya nag sasalita. Bigla akong kinabahan kaya binuhat ko siya papunta sa kotse ko para madala ko siya sa Hospital.
"Nurse nurse!"
"Sir kami nalang po, dito lang po pakihintay nalang!"
Sobrang kabang kaba ako! hindi ko alam yung gagawin ko. Ano ba kasing nangyari kay Gill.
"Family of the patient?"
"Bestfriend niya po ako doc"
"She's ok na over fatigue siya, walang pahinga yung katawan niya. At kanina nahimatay siya sa sobrang init niya pati narin yung pagkahilo. You can go inside para makita mo siya sa ngayon hindi pa siya gising."
"Thank you doc!"
Pumasok na ako para makita ko siya..
Umupo ako sa tabi niya, at tinignan yung mga mukha niyang napaka amo. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Shit bakit ganito!
Hinawakan ko yung kamay niya..
"Ang tanga tanga ko may nakita na nga akong gamot sa kwarto pati yung planggana na may tubig. Ang tanga ko na hindi ko yun napansin!"
"Bakit kaba napagod ha! ano bang ginawa mo! yan tuloy nag kasakit ka.."
"Taba, gumising kana papagalitan pa kita bukas."
Gabi na kaya nakatulog nalang ako bigla na hawak hawak yung mga kamay niya.
----
Nagising ako dahil dumating na si Kiel, tinext ko kasi siya kagabi para sa nangyari kay Gill.
"Tol! kamusta yung kapatid ko?"
"Na over fatigue daw. Sobrang pagod"
"Wala naman yang pinag gagawa dun sa bahay pano na pagod yan? pasaway din kasi hindi siguro kumain kasi nakita ko yung pagkain sa kwarto niya konti lang yung bawas nang kanin tapos bacon lang yung kinain. Hindi pa ininom yung gamot . Pasaway talaga yan!"
Eto naman kasi pala eh hindi ininom yung gamot. -.- pasaway na mataba!
"Ku..ya.."
"Gill! anong nararamdaman mo? ayos ka lang ba?"
"Na..san a.k..o kuy...a?"
"Nandito ka sa ospital kasi nag over fatigue ka nawalan ka ng malay."
"Uwi.. na tayo.. ku..ya ayoko.. Di..to!"
"Hindi mo ininom yung gamot mo pasaway ka talaga!"
Tinawag ko na muna yung doctor.
Lumabas na kami ni Kiel para matignan si Gill."Ok na siya kailngan niya lang ng konti pang pahinga para mabawi yung lakas niya. Tsaka pwede niyo na siya iuwi."
"Thanks doc"
Pumasok na ko sa loob si Kiel nag paalam na uuwi na daw siya ihahanda niya daw yung kwarto ni Gill para sa pag uwi niya.
"Anong nararamdaman mo?"
"Ok na ko dont worry strong akon eh!"
"Strong ka jan! edi sana wala kang sakit ngayon."
"Sorry na. Sobra lang akong napagod"
"Sige na mag pahinga kana maya maya uuwi na tayo"
Nag pahinga na siya tapos konting oras lang ginising ko na siya para makauwi. Sinakay ko na siya sa kotse ko tapos hinatid na siya sa bahay nila
"Mag pahinga kana jan ha! wag ka nang pasaway taba!"
"Thak you klarenze..."
-------