3 months later...
Habang nasa Lecture room sila Gill at Yvonne . Hindi alam ni Gill na merong hinandang sorpresa sakanya si Klarenze.
Sinaktohan ni Klarenze na wala silang teacher para walang pang gulo sa gagawin niya.
Sa Lecture room merong isang malaking screen sa harap tapos biglang may lumabas na video ni Klarenze na kinagulat ng lahat.
"Hello taba! I just want to say thank you sa lahat lahat ng pag papasaya mo sakin araw araw. Ikaw ang dahilan kung bakit palaging masaya yung araw ko. Ang swerte swerte ko sayo! sobrang bait mo, masipag, maalaga at lalong lalo na mapagmahal."
Hindi mapigilang mapangiti ni Gill kahit alam niyang kunyari lang lahat ng to.
Si Yvonne naman parang naiirita sa mga nangyayari pero hindi siya nag paapekto.
Tapos biglang may pumasok sa loob ng lecture room at yon si Klarenze na may hawak hawak na gitara. Tapos hinaharana siya..
Lahat ng tao sa loob sobrang kinikilig pero hindi parin maiiwasan yung mga bad comments.
Lumapit si Klarenze sakanya para iupo siya sa harap. Tapos lumuhod si Klarenze sa harap niya..
"Taba, mahal mo na ba ako?"
Sobrang tahimik ang lahat na parang hinihintay yung sagot ni Gill. Salo salo na yung emotion na nararamdaman ni Gill. Saya, lungkot, sakit pero mas nangingibabaw parin yung saya. Para naman kahit ngayon lang maramdaman niya kung pano kiligin.
"Oo Klarenze mahal kita! mahal na mahal kita!"
"Narinig niyo yun? sinasagot na niya ako! Sinasagot na ako ni Gill Torres!"
Tapos nag palakpakan yung mga studyante sa Lecture room.
Hinalikan ni Klarenze si Gill sa noo. At niyakap niya ng sobrang higpit. Gusto nang maiyak ni Gill pero pinipigilan niya lang yun.
"WALANG FOREVER!" sabi ni Yvonne na kinatahimik ng lahat.
"Taba sucessful yung ginawa natin! napag selos natin siya.. Thank you!"
Hindi na napigilan ni Gill na umiyak kasi ngayon nangingibabaw na yung sakit. Sakit na malaman na hindi lahat totoo yung mga nangyayari na Fake lang lahat ng to. Pero masaya siya kasi masaya yung bestfriend niya.. Na natulungan niyang pagselosin yung ex niya...