Chapter 13

100 2 1
                                    

Gill's POV

Simula at pagka tapos nang klase namin. Hindi ko siya kinakausap. Oo si Klarenze hindi ko siya kinakausap kasi pagod na pagod na ako. Ayoko nang mag panggap na ayos lang ako palagi. Pinipilit kong hindi siya pansinin kasi tagumpay nanaman na yung plano namin eh. Napansin kasi namin ni Klarenze na hindi na pumapasok si Yuan tapos palaging malungkot si Yvonne.

"Taba bakit ba! bakit ba hindi mo ko pinapansin ha! wala naman akong ginawa sayo ah. Bat kaba nag kakaganyan!"

Kung alam mo lang Klarenze kanina pa kita gustong gustong pansinin. Yan nalang yung palagi niyang sinasabi sakin. Ang hirap hirap na kasi, sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

"Taba, please pansinin mo na ko! Hindi ako sanay na ganyan ka! hindi ako sanay na hindi tayo nag aasaran!"

Akala mo gusto ko rin to? ayoko nito. Pero alam kong mali tong ginagawa ko. Ang hirap hirap na ng kalooban ko. Sobrang miss na miss ko nayung asaran nating panget ka.
Hayaan mo, masasanay ka rin na wala na ako.. Kasi alam ko naman na si Yvonne ang nag mamayari sa puso mo.

Uwian na namin tapos sumakay ako ako ng kotse ko. Gabi narin kasi eh, gusto ko pa sanang pumunta ng coffee shop pantanggal ng bigat ng nararamdaman ko.

Habang nag dadrive ako, kanina ko pa napapansin na sinusundan niya ko. Kaya binilisan ko ng takbo. Kilala ko kung kaninong kotse yun. Kay Klarenze kukulitin nanaman ako nito! Baka hindi ko mapigilan yung sarili ko.

Habang nag dadrive ako tumigil siya sa unahan ko kaya napatigil ako.
Lumabas siya ng kotse niya. Tapos binuksan niya yung pintuan ng kotse ko tapos hinila niya ako palabas.

"Gill! ano bang problema mo ha?" seryoso na siya. Kanina kasi parang nag papacute siya na parang nag papalambing pero ngayon parang dragon na siya sa sobrang galit.

"Bakit ba ha! bitawan mo nga ako nasasaktan ako!"

"Bakit ba nag kakaganyan ka ha!"

"Bakit ba ano bang paki mo!"

"Gill naman! Ano bang problema! diba mag bestfriend tayo?"

"Oo mag Bestfriend tayo! BESTFRIEND mo lang ako!"

"Ano bang sinasabi mo! Hindi kita maintindihan."

"Hindi mo naman kasi talaga ako maiintindihan kasi puro nalang sarili mo yang iniisip mo! puro nalang kaligayahan mo yung inuuna mo!"

Hindi siya nag salita kaya eto na yung time na sasabihin ko na sakanya lahat ng hinanakit ng puso ko.

"Puro kanalang Yvonne! Yvonne! Yvonne wala ng lumabas sa bibig mo puro Yvonne na yan. Alam kong mali tong inaasal ko sayo ngayon pero sana naman marealize mo Klarenze.." hindi ko na napigilang umiyak .

"Klarenze nasasaktan ako hindi mo ba alam yun? Gusto kita dati pa! mga bata palang tayo gusto na kita. Hindi ko sinasabi sayo kasi ayokong mawala yung pag kakaibigan natin. Pero ngayon iba na, iba na yung nararamdaman ko kasi Klarenze mahal kita! Oo mahal kita! Minsan naiisip ko na totoo nalang lahat ng ginagawa mo sakin, yung panliligaw mo, yung pag A-I love you mo sakin yung pag bibigay mo ng bulaklak pero lahat nang yun FAKE lang! Naaalala mo ba nung nagkasakit ako at dinala mo ako sa hospital? kaya ako nag kaganon dahil yun nung pumunta tayo ng Tagaytay, Sobrang pagod na pagod na ako tapos naulanan ako sa labas. Hindi ko pinapahalata yun sayo kasi gusto ko palagi kang masaya kahit yung mga ngiti mo hindi naman talaga ako yung dahilan. "

"Sorry Gill, hindi ko alam.."

"Hindi mo naman kasi talaga malalaman kasi sa isang tao kalang naka focus. Hindi mo na napapansin yung mga nasa paligid mo! ano ngayon alam mo na kung bakit nag kakaganito ako!"

"Sorry.. "

"Ang tanga tanga ko diba? Minamahal ko yung taong dapat kaibigan lang! Klarenze pagod na ko! pagod na pagod na kong mag panggap! Itigil na natin to! Sorry kung nasasabi ko sayo to! hindi ko na kasi mapigilan hindi kona kaya na itago pa sayo to.." Hinayaan ko nalang tumulo yung mga luha ko..

"Klarenze mahal kita..."

--------

Fake LoversWhere stories live. Discover now