Chapter 16

95 1 0
                                    

Gill's POV

After 4 years..

"Ok Ms. Torres hihintayin po namin yung desisyon niyo. Tawagan niyo nalang po kami kapag nakapag desisyon na po kayo."

"Thank you po. Sige po Sir!"


Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame.

"Tatanggapin ko kaya yung trabaho ko? pano nalang sila kuya dito mamimiss ko sila."

tok! tok! tok!

Pasok !

"Oh kuya may problema ba?"

"Wala naman, baka ikaw yung may problema?" tapos umupo siya sa kama katabi ako.

"Naguguluhan po kasi ako kuya kung tatanggapin ko ba yung offer sakin na trabaho sa U.S."

"Maganda yan! Tanggapin mo yan kesa naman wala ka manlang ginagawa dito sa bahay."

"Kuya naman eh! sige bahala ka tatanggapin ko talaga yun. Hindi kita mamimiss.."

"Joke lang eto naman! ikaw ang makakapag decide jan, kung saan ka masaya dun lang din ako! kung gusto mo yung trabaho then go diba?"

"Thank you kuya!"

"Gill, mahal mo paba si Klarenze?"

Natigilan ako sa sinabi ni kuya. Mahal ko paba si Klarenze? Oo mahal ko siya, mahal na mahal. Kahit na ganon yung nangyari samin. Nangingibabaw parin talaga yung pagmamahal ko sakanya.

"Oo kuya mahal ko siya bakit?"

"Ah kasi ano eh.."

"Ano yun kuya?"

"Wala! tara masyado na tayong madrama! kumain na tayo sa baba nag luto ako ng favorite mo!"

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni kuya, mukha naman siyang nag jojoke lang eh.

Bumaba na kaming dalawa ni kuya tapos kumain na kami. Spoiled talaga ako dito kay kuya.

Pagkatapos kumain pumunta ako ng sala para manuod ng T.V . Wala rin kasi akong magawa tsaka wala rin akong lakad ngayon.

Nung maisipan kong pumunta sa garden, pumunta ako dun sa mail box. At kinuha lahat ng nakalagay, Tinignan ko lahat ng yon tapos merong isang invitation.

Binuksan ko yung invitation kasi nakasulat yung pangalan ko. Pagka bukas ko hindi ko alam kung ano ba yung magiging reaksiyon ko..

What: You are invited to Mr. And Mrs. Ramos wedding.
When: February 23, 2017
Where: San Isidro Labrador Church

Ikakasal na si Klarenze? bat parang ang bilis naman? Ang sakit sakit, ikakasal na siya sa iba.

Siguro kailangan ko ng tanggapin yung offer na trabaho sakin. Makakabuti rin sakin siguro yon para makalimutan ko yung mga nangyari dito sa pinas.


"Good pm sir, tinatanggap ko na po yung offer niyong trabaho sakin. Kailan po yung start ko?"

"Good to hear that Ms. Torres. Ang flight mo ay February 23"

"Thank you so much sir."

------

Fake LoversWhere stories live. Discover now