Kiss mark???

658 17 28
                                    

Chapter 8

Hazel’s POV

Ang weird sa pakiramdam, kasi minsan naglalaro ako ng badminton tapos sa kalagitnaan ng game, bigla na lang pumasok sa isip ko si Krista. Feeling ko bigla ang lungkot niya. Kaya after ng game tinawagan  ko siya. And there she is, crying.

Hindi na ako nagtanong kasi alam ko na kung sino ang iniiyakan niya. Kung bakit hinayaan ko na lang siya magkwento ng kusa. Hay.

Ewan ko ba kung bakit kung sino pa yung taong mahal namin, sila pa yung hindi namin nakikita, at nakakasama. Ang hirap pero hindi naman kasi namin hawak ang pagkakataon. Meant to be atang maging single kaming dalawa, kaya siguro kami pinagtagpo ng tadhana. Hahaha.

As the usual, magkausap na naman kaming dalawa sa fone. Minsan nga kahit wala kaming mapagusapan, magkausap pa din kami. Hahaha. Ang labo ko lang magexplain kahit kelan.

“Insan luluwas ako this Friday. Kita tayo ha? :)” Sabi ko sa kanya.

“Oo, dahil kapag hindi ka nagpakita sa kin pepektusan kita! Hahaha.

“Magpapakita talaga ko sayo insan, kasi alam ko namang miss na miss mo na ako eh. Hahaha.”  Inaasar ko lang siya. Well sa kanya lang naman ako ganito eh. Kasi kapag sa iba ko sinabi yan, feeling ko nakakailang.

“Insan, ang lakas mo talaga eh, tignan mo humangin ng malakas bigla dito. Hahaha.”

“Gago neto! Hahaha. Ayoko na nga. Pout. Hahaha.”

“Hahahaha. Leche!” Buti na lang hindi siya napipikon sa kin. Kasi ayaw niya yung *pout* na yun, dahil naaalala na naman niya yung mahal niya. Psh.

Lagi kaming puro kalokohan kung magusap. Pero sa totoo lang, madalas emo kaming dalawa, isa siguro sa dahilan kung bakit kami nagkakasundo at nagkakaintindihan. Kaya din siguro nabuo kung ano mang connection meron kami. Natatawa na lang kasi ako, dahil hindi ko na siya kelangan pang tanungin kung malungkot siya, dahil ako na mismo ang nakakaramdam nun.

“Insan bakit kaya ganun? Kung sino pa yung mahal natin, sila pa yung hindi natin makasama?” Tanong niya sa kin.

“Siguro kasi tayo ang para sa isa’t isa?” Triny kong hindi matawa sa sinabi ko pero hindi ko napigilan.

“Hahahahahahahaha, ang gago neto.” Ramdam ko yung tawa niya eh. Hahaha. Ang emo kasi niya, ramdam ko, kaya ayaw ko na sanang dumagdag pa, pero sa totoo lang bigla akong napaisip at nalungkot sa tanong niya. Pati ako mismo napaisip. Bakit nga ba?

“Hahahahahaha, bwisit natawa din ako sa sinabi ko. Hahahaha. Haaaaay. Pero alam mo insan, siguro kaya hindi nagkaron ng chance na makita at makasama natin sila, siguro hindi sila para sa atin. Gets?” Hindi ko mapigilan na sumagot sa tanong niya.

“Oo gets ko, ano namang tingin mo sa kin?Hahahaha.” Baliw lang din talaga tong kaibigan ko eh. Manang mana sa kin. Hahaha.

After ilang araw, eto magkikita ulit kami. Nandito ako sa greenhills kung saan malapit nagtatrabaho si Velvet. Syempre kapag magkikita kami ni Krista, hindi pwedeng hindi kasama si Velvet. Kasi naman napakamatampuhin ng taong yun. At isa pa gusto din naman naming siyang makasama.

As usual eto nandto ako sa starbucks. Sabi ko kay Krista dito na lang kami magkita. Trip ko kasing tumambay dito. Kaya naman eto ako sounds lang. Emo. Hahaha. Kaya naman tinext ko na si Krista.

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon