Nga-nga. -____-

728 19 1
                                    

Chapter 5

Krista’s POV

(ALARM)

Sh*t. Sakit ng ulo ko. Kikilos sana ako para tumihaya ngunit may brasong naka akap sa akin. Damn. Pilit kong iminulat ang kaliwang mata ko habang inaabot ng kaliwang kamay ko ang cellphone ko sa head board ng kama ko. Pinatay ko ang pagka alarm. 6AM na. Marahan kong inangat ang braso ni Hazel at dahan dahan akong naupo. Inilagay ko ang unan ko sa tabi nya para yun ang akap akap nya. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Tumuloy ako sa kusina at nag toothbrush. Inabutan ko ang lola ko na nagluluto ng breakfast.

“Gising na ba yung kasama mo?” tanong ng lola ko sa akin.

Umiling lang ako at matapos mag toothbrush ay lumabas sa likod ng bahay. Doon naabutan ko ang nanay ko at inaanak ko na nagkakape.

“Gising na ba bisita mo?” tanong ng naman nanay ko.

“Hindi pa…” mahina kong sabi at naupo sa katabi ng nanay ko.

“Ninang sinong bisita mo?” sabay lapit sa akin at kumalong ang makulit kong inaanak.

Inakap ko si Melay. “Friend ko.” Tipid kong sabi. Lahat na lang nag tanong sa bisita ko. Hahaha Hindi kasi nila inexpect na uuwi ako ng medaling araw at may kasama pa. hahaha

 Pilit bumabalik sa alaala ko yung ginawang pag hug ni Hazel. Psshh. Ano ba tong iniisip ko? Baka ganun lang talaga sya pag nakainom. Hay.

Maya maya, tumayo na ulit ako at bumalik sa kwarto. Tulog na tulog pa din si Hazel. Nagpapagising kasi sya ng 7AM. 5 minutes before 7AM na. Nakatayo lang ako at nakatingin sa cellphone ko. Tulala lang ako dahil antok na antok pa ako. Biglang nag alarm ang cellphone ni Hazel. Nagulat ako. Paglingon ko, naka charge nga pala ito. Papatayin ko sana ang alarm ngunit may pincode ito. Sh*t. Ang ingay naman ng cellphone na to. Every 5 minutes nag aalarm. Teka. BInigay nga pala nya kagabi sa akin pincode nya. Bakit? Kasi kung may mangyari daw sa kanya, tawagan ko lang daw kapatid nya. G*go lang talagang mag isip tong babaeng to eh. Hahaha

After ko ma-off ang alarm ng cellphone ni Hazel, iniisip ko kung panong approach ang gagawin ko sa pag gising sa kanya. Naupo ako sa kama. Dahan dahan ko syang tinatapik sa braso pero tulog na tulog pa rin sya. Inangat ko ang braso nya at ikinaway kaway pero di pa din nagising. Hahaha Grabe naman matulog to. Tsk.

Iniwan ko muna ulit sya at nanood muna ako ng tv sa sala. Maya maya ay naka receive ako ng good morning text kay Yawn. Binanggit ko sa kanya na tulog pa baby nya at di ko alam kung pano ko gigisingin. Hayaan ko daw muna, at dahil masuniring bata ako, hinayaan ko nga munang matulog si Hazel.

8AM na. Bumalik na ulit ako sa kwarto. Tulog pa din talaga.Naupo ako sa gilid ng kama.

“Hoy… Gising na… 8AM na…” sabi ko habang tinatapik ko yung braso nya.

Kumilos lang sya at tuluyan na ulit natulog. Hay… Hirap gisingin… Lumabas ulit ako ng kwarto at nanood ulit ng tv sa sala. Maya maya dumating ulit si Melay. Nanonood kami ng cartoons.

8:30AM na, pumasok ulit ako ng kwarto kasama si Melay.  Naupo ito sa gilid ng kama habang ako, nag aayos ng gamit ko. Maya maya..

“Ninang nakanganga yung friend mo…” narinig kong sabi ng inaanak ko kaya napalingon ako kay Hazel. Napangiti ako dahil nakanganga ngang matulog ito. Hahaha Nakakatuwa talaga sya.

Lumabas na ng kwarto ang inaanak ko. Naupo ako sa paanan ng kama. Tinatapik ko sya sa braso.

“Hey… Gising na… Malapit na mag 9Am oh…” mahinang sabi ko kay Hazel.

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon