Chapter 13... Revelations

311 13 2
                                    

To: emptysweethanger

-Sumakit ang ulo ko sa chapter na ikaw naman ang gumawa at hindi ako. Hahaha. Ayan nagdagdag na ko. Pasensya na. Busy busyhan eh. At syempre hindi mo naman alam na maga-update na ko, dahil hindi naman kita tinext. Hahahaha. Peace tayo! :p

-Hazelnot

Chapter 13

 

Krista’s POV

 

Wednesday na naman. 4:00AM pa lang ay gising na ako dahil sa 7AM meeting ko sa head office namin. Hindi ko na namalayan kung pano naputol ang pag uusap namin kanina. Ang alam ko lang, past 1AM na yun. Nakatulugan na lang naming dalawa, at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

Nag text agad ako ng good morning kay Insan then naligo na ako. 6:30AM nasa head office na ko dahil may mass pa.

Around 7:30AM, nag start na meeting namin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinext si Insan.

To: Insan

 

“Peace be with you Insan”.

Sa gitna ng meeting naming ay sinilip ko ang cellphone ko. Past 9AM na wala pa din syang text. Ano kaya nangyari dun? Napasarap na naman siguro sa pag tulog yun.

Tanghali na natapos ang meeting naming. After mag lunch ay bumalik na din ako sa planta. Pag dating ko sa room ko ay nahiga muna ako para magpahinga. Tinext ko ulit si Insan.

 

To: Insan

“Insan?”

“Insan!”

“Insan…”

“Insan”

“(Insan)”

“*Insan*”

“Yuuuuhhhoooooo!!!!!!!!!!!!!!”

“Anyare sayo?”

“Hahahahahahahhahaha”

“Busy?”

“Hhhhhmmmmm…..”

Wala pa rin reply from her. Usually, isang text ko lang, nag rereply na agad sya. Or kung di sya makaktext, mag iiwan sya ng isang text o tatawag yun. Ano kaya nangyari sa kanya? Tungkol pa rin kaya ito sa naging usapan naming kagabi? Hay.

Nakatulugan ko na ang pag iisip. Nagising ako, gabi na. Matapos mag dinner ay nag open lang ako ng laptop. Nag open ako ng wattpad account ko. Tahimik pa din ang cellphone ko. Wala ni isang text maghapon from Insan. Tinext ko ulit sya.

 

To: Insan

“Insan?”

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon