This is not goodbye.

600 20 4
                                    

Chapter 6

Ang bilis lang ng araw. Nagsasawa na ko sa ginagawa ko araw-araw, pero wala naman akong magagawa, kasi choice ko din naman ang tumulong sa mga magulang ko sa pagpapatakbo ng business namin.

Buti na lang at lagi kong katext si Krista. Nawawala kasi yung pagkaboring ko sa taong yun, dahil parating puro kami kalokohan at puro kagaguhan. Hahaha. I know she need that kind of talk too. Stress din kasi yun sa trabaho niya eh, kahit hindi halata. Haha.

Magkausap kami ngayon sa phone, laugh trip na naman kaming dalawa, ng biglang mapasok sa usapan si Yawn.

“Hoy ikaw anong balak mo kay Yawn?” Panandalian akong naguluhan sa tanong niya, dahil hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Kung wala kang balak seryosohin, wag mo ng ituloy.”

“Muka ba akong nanggagago lang?” Nalungkot akong maisip na ganun pala ang iniisip niya sa akin.

“Hindi, alam ko namang hindi, kaso ayoko lang siyang masaktan.”

“Hindi ko masasabing mahal ko na siya, pero gusto ko siya, at wala akong balak saktan siya.”

Mas nauna kasing nagkakilala si Yawn at Krista, kaya alam ni Krista yung mga pinagdaanan ni Yawn.

Ilang araw ang lumipas. Hindi pa din mawala sa isip ko yung sinabi sa kin ni Krista. Pati sarili ko ay tinanong ko kung ano nga ba tong nararamdaman ko para kay Yawn. Ang alam ko lang, masaya ako kapag kausap siya, gusto ko siyang mapasaya, at ayoko siyang masaktan.

Ilang linggo na din kaming nagkakatext ni Yawn. At inaamin ko sa tuwing mababasa ko yung text niya, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang kulit kasi ng usapan lagi namin ni Yawan. ^____^ Oh diba, naalala ko lang siya napangiti na naman ako. Hahaha. Nakakabaliw yung babaeng yun eh! :)

Out of nowhere tinawagan ko si Krista, para lang sabihing kinikilig ako dahil kay Yawn! At sanay naman na siya sa mga random calls ko, mahilig kasi akong tumawag ng basta basta, yung tipong biglaan. At si Krista lang yung alam kong sasagot sa tawag ko sa kahit ano mang ginagawa niya! Haha.

As usual laugh trip na naman kaming dalawa. Tinatawanan niya lang ako kasi, para daw akong nababaliw, kasi sigaw ako ng sigaw. Eh anong magagawa ko, ganun akong kiligin eh! :) Bigla siyang may tinanong sa akin, at hindi ko alam kung bakit niya naisipang itanong yun.

“Alam mo ba yung totoong pangalan ni Yawn?” (Napaisip ako at hindi nakapagsalita for a moment, kasi bigla ko din tinanong ang sarili ko.)

“Hoy, hindi ka na nagsalita, anong nangyari sayo dyan?”

“Ay sorry, napaisip kasi ako sa tanong mo, hmmmm. Hindi eh.” (T*ngina oo nga bakit hindi ko alam yun?Hahaha, minsan talaga tatanga-tanga ako eh! Tsk)

“Hahahahahahahaha. Ayan kasi! Puro kayo landian! Ni pangalan niya tuloy hindi mo man lang alam. Hahahaha.”

Tumawa lang ng tumawa si Krista sa kabilang line! Feel na feel niya yung papaasar niya sa kin eh. Ganyan kasi kaming dalawa, masaya kaming naasar naming ang isa’t isa! Haha.

Kainis yung si Krista. Lagi na lang akong napapaisip sa mga sinasabi niya! Tsk. Pero buti na lang at nandyan siya. Saan ba ako makakakita ng diary na nagreresponse? Wala kasi nagiisa lang siya! :)

Ilang araw ko ng iniisip yung mga pinagsasabi ni Krista. Ano nga bang meron sa min ni Yawn? Kung ako ang tatanungin ay hindi ko alam! Hay. Ito

Katext ko ngayon si Yawn. Hay. Namimiss ko siya kahit lagi ko siyang nakakausap, at kahit lagi ko siyang nakakatext! Kakaiba na tong nararamdaman ko! Gusto ko na siyang makita! Kelan kaya mangyayari sang araw na yun? O mangyayari pa kaya yung araw na yun? Bigla ko siyang tinanong.

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon