Till we meet again

572 16 15
                                    

Chapter 7

Krista’s POV

Bakit ba ang daming emo ngayon? Si Hazel, ayun, emo ang peg. Si Yawn? Emo din. Hay… Ako ang nasasaktan para sa kanilang dalawa.

Una kong nakilala si Yawn kesa kay Hazel. Naging close din kami nun nung bigla syang magpaalam for personal reasons. Then yun, nakilala ko si Hazel. Nagkakilala naman si Hazel at Yawn dahil sa story ni Hazel na binabasa naman ni Yawn. Yun, nagulat na lang si Hazel, kilala ko daw pala si Yawn. And the rest is history. hahahaha

Lumuwas si Hazel ngayon sa Manila kaya nagkita na naman kami. Nai-meet pa namin yung isa naming watty friend. Actually, sila ang unang nagkakilala at dahil Ms.Friendship ng watty world si Hazel, ayun, naging friends na din kami ni Velvet.  

Yung lunch meet up namin ay inabot na ng dinner na nauwi naman sa inuman. At dahil uso nga ang emo ngayon, dinadamayan kami ni Velvet. Si Hazel dahil sa panandalian nyang pamamaalam kay Yawn at ako, dahil sa nalalapit namang pamamaalam ng taong mahal ko, si Ross.

Yeah… You read it right. Pamamaalam ng taong mahal ko. Masakit kasing isipin na matatapos ang pagmamahalan namin ng hindi ko man lang sya nayakap o nahalikan man lang. Lagi kong tinatanong sa sarili ko, posible ba talagang mag mahal ng isang taong di mo pa nakikita sa personal? Oo, nakita mo na sa picture, pero hanggang picture at text lang ba?

Tunay ngang napakahirap kapag nag mahal ka sa mundo ng watty. Nung una, hindi ako naniniwala na maari akong magmahal ng isang taong sa picture ko pa lang nakita. Ni hindi ko pa nga nadidinig ang boses nya. Pero kusa ko na lang naramdaman. Isang kakaibang feeling na hindi maipaliwanag. Mahirap ipaliwanag pero, oo, nagmamahal na nga ako.

Sa text nag simula ang aming pagkakaibigan hanggang sa lumalim ng lumalim at nauwi sa pagmamahalan. Ngunit sabi nga, kung hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa, tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para magkalayo kayo.

Out of nowhere sa gitna ng aming text convo ni Ross, bigla syang nag paalam. May sakit kasi sya kaya kailangan nyang magpagamot sa ibang bansa. Tanggap ko naman ang lahat. Pero isa lang ang hiniling ko sa kanya na hindi nya mapagbigyan. Yun ay ang magkita kami. Mas mahihirapan daw akong mag move on kung sakaling hindi na sya makabalik.

"Just don't wait for me. Just forget about me Ma. That will be the best option you have."

Masakit isipin na wala kang magawa para sa taong mahal mo. Gustong gusto ko syang makita pero wala akong magawa. Gusto ko syang hanapin pero saan?

Damn this feeling. Kanina pa kami tapos mag text pero until now iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ko mapigilan ang mga luhang patuloy sa pag daloy sa aking mga mata. Ang sakit sakit sa pakiramdam. Patuloy lang ang pag iyak ko habang nakadapa sa aking kama ng biglang nag ring ang cellphone ko.

Hazel calling…

Napakagaling din talaga sa timing nitong lokong to. Inisip ko pa kung sasagutin ko ba dahil ayokong malaman nya na umiiyak ako pero in the end, I decided to answer her call.

“Insan!!!” hyper na bungad nya sa akin. Insan nga pala tawagan namin nung si Hazel. Nung one time kasi na tumawag sya, hanapan ko daw sya ng chix… yung hot daw. Sakto naman na naka open ang facebook ko at nakita ko yung pinsan ko. Pina search ko sa kanya at yun, mula nun, tinawag na nya kong Insan.

“Nandito ako sa court….”

Hinahayaan ko lang syang mag kwento. Pinipigilan kong magsalita dahil baka mahalata nya sa boses ko ang aking pag iyak. Pero nahalata nya ata ang pananahimik ko.

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon