If only I could... Chapter 10

386 10 0
                                    

Sinipag si emptysweethanger kasi may sakit siya ngayon, kaya ayan may update agad siya. Hahahahaha.

Chapter 10

Maaga kaming umalis kinabukasan. May pasok pa kasi si Velvet. Mula Pasay ay nag taxi kami at hinatid si Velvet sa San Juan. Sumunod si Hazel sa Sampaloc Manila at pinaka last, ako, sa Monumento sa Caloocan. Buti pumayag si Manong taxi driver. Hahaha

Dumaan muna ako sa Tokyo Tokyo sa may bus terminal para mag take out ng lunch. At while waiting, katext ko si Hazel.

“Insan SALAMAT” bungad na text sa akin ni Hazel.

“Ano ba dapat ko isagot? Hahahah Welcome? Hahaha” pati ako’y natawa a lang sa sagot ko. Hindi ko naman kasi alam pinag papasalamat nya eh.

“Tangina ka! Napaisip tuloy ako bigla… hahahah San ka na?”

“Heto naghihintay ng take out sa Tokyo Tokyo..”

“Ingat ka Insan, salamat talaga…”

 

“Arte!!! Hahahaha”

 

“Seryoso Insan, Salamat… Tangina bakit nga ba spoiled ako sayo? -_-“

Hindi ko na nareplyan si Hazel dahil umalis na ko sa Tokyo Tokyo at pumunta na sa bus terminal.

After lunch na ko dumating sa planta at nakatulog ako agad. Hapon na nung magising ako. Tinext ko si Hazel pero hindi nag rereply. Naisip ko na naman bakit ng aba sya nag thank you kanina. Kung tutuusin, ako dapat mag thank you eh. Hhmm… Ite-text ko na nga lang.

 

“Insan. Thank you. Ako dapat magsabi nyan. Nag enjoy ako. Sobra. Hanggang sa muling pagkikita insan. Hahaha Why spoiled ka sa akin? Are you? Hahahaha Kapal mo. Hahahaha”

Kala ko ay busy sya kaya naman malakas loob kong magtext ng seryoso sa kanya. Gawi na kasi namin yun, hahaha Kaya nagulat ako ng bigla syang nag reply.

 

“Ayan tayo eh.. hahaha Sinamantala ang pag dradrama habang wala ako, langya ka talaga. Thank you san? Taene, wala nga tayong ginawa kundi kumain, magbyahe at tumawa hahaha… oo insan…. Hindi ba ko spoiled? Hahahah feeling ko lang siguro.”

After ng Tagaytay trip na  yun, mas naging close pa kami ni Hazel. Araw-araw, maghapon kaming magkatext at viber. Minsan, dumadaan pa ang araw na magkausap kami sa cellphone. Kahit nasa work kami pareho. Basta naka hang lang ang cellphone at ginagawa ang kani-kanyang trabaho. Pati yung dalawa kong officemate ay ka-vibes na rin nya dahil nga sa araw araw kong kausap. Dumating na din sa point na sabay kaming natutulog sa gabi. Yung tipong magkausap kami hanggang  sa makatulugan na namin ang isa’t isa. Basta naka hang lang ang cellphone at kusa na lang napuputol ang tawag.

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon