YES... Chapter 15

567 24 28
                                    

Chapter 15

 

Krista’s POV

 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I love her. And I kissed her. Nagulat lang ako dahil nag respond sya sa kiss na yun. She just looks at me after. Parang may gusto syang sabihin pero alinlangan sya. Nagulat na lang ako nung bigla na lang tumutulo ang mga luha nya.

“Insan….” Sambit ko and then I wiped her tears.

I caress her face as I look into her eyes. I can’t help it that’s why I slowly kissed her lips again. Ngunit natigilan ako. Bigla akong natauhan sa ginawa ko. Magkaibigan lang kami and I’m not supposed to do that. Nagtataka namang tinitigan nya ako.

Umayos ako ng upo sa tabi nya. Tumingin lang ako sa noo’y palubog na araw. Naramdaman kong naupo na din sya sa tabi ko. Ilang minuto pa ang lumipas at wala ni isa man sa amin ang nagsasalita. Tahimik lang naming pinagmamasadana ang pag lubog ng araw.

Maya-maya ay tumayo na sya.

“Insan tara na… gabi na oh…” sabi ni Insan sabay tayo at nauna nang lumakad papunta sa parking.

Sumunod naman ako agad. Tahimik syang nag drive. Ako naman ay tahimik din na nakikiramdam. Alam kong may gusto syang sabihin, itanong.

Sinandal ko ang aking ulo at ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ako tulog. Hindi rin ako inaantok. Gusto ko lang mag isip. Natatakot ako. Natatakot ako sa naging reaction nya kanina. Hindi ko alam kung bakit tumulo mga luha nya matapos ko syang halikan. Hindi ko alam kung anong naramdaman nya sa ginawa ko. Natatakot akong lumayo sya. Alam ko naman from the start na ayaw nyang lumagpas kami sa pagiging magkaibigan. But I did cross the line. I kissed her.

Napadaan kami sa isang overlooking sa bataan kaya naman pinahinto ko muna sya.

“Insan, stop over muna tayo saglit dun oh…” sabi ko sabay turo sa vacant lot sa overlooking.

Matapos i-park ay nauna syang bumaba ng sasakyan. Nakatayo lang sya habang naka cross arms at nakaharap sa overlooking view. Malamig sa lugar.

Lumapit ako sa kanya at inakap sya sa likod. Marahil ay nagulat sya kaya nilingon nya ako matapos ko syang i-hug.

“Ang lamig….” Bulong ko sa kanya.

“Oo nga eh…” sagot naman nya sabay hawak sa kamay ko. She intertwined our hands while I’m hugging her.

“Insan…” I whispered to her ears.

“Hhmmm..?” sabay lingon nya sa akin.

“Sorry…” mahinang sabi ko.

Binitiwan nya ang mga kamay ko at humarap sa akin. She held my chin up.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon