Empe Lights

709 19 26
                                    

Chapter 4

 

Krista’s POV

 

“Punta ko dyan, gusto kong uminom eh.”

 

Nawala ata hilo ko ng mabasa ko ang text na yun ni Hazel. Adik lang talaga yung taong yun. Natanong ko na lang kung sure ba syang pupunta sya dito. Ang layo kaya nito. Hmp. Baka joke joke lang yun. Di na sya nag reply ulit kaya baka nga joke lang yun.

Tumigil lang kami saglit pero eto at umiikot na naman ang shot glass. 3 na lang kami ngayon na umiinom dahil umuwi na yung dalawa naming kasama. Pang tatlong bote na ng absolute ito. Nakakarami na talaga ako ng inom. Hilo na talaga ako.

Nag pahinga muna kami sa tagay at nag kwentuhan. Buhay may pamilya. Itong dalawa ko kasing barkada, si Jhoan at Christian, pareho nang may pamilya. Kaya eto, tahimik ako at di maka relate. Maya-maya ay naka receive ako ng text kay Hazel.

“Pano ba pumunta jan? Anong sasakyan? Saan ako sasakay?” sunod sunod na tanong nya sa text.

Hindi na ko nakatiis at tinawagan ko na si Hazel.

“Seryoso ka ba talaga?” tanong ko.

“Sino bang nagbibiro sa ating dalawa?”

Damn. Seryoso nga talaga ang gago. So wala na ko nagawa, binigay ko lahat ng info kung pano at saan dapat sumakay papunta dito.

Hindi na muna kami nag resume sa pag inom. Ininform ko lang yung dalawang kasama ko na darating yung kaibigan ko. Hindi ko na sinabi na watty friend ko yun dahil hindi rin naman nila maiintindihan at okay lang naman sa kanila kung sinong isama ko sa mga inuman session namin. So habang nasa byahe si Hazel ay katext ko sya. Nag u-update kung nasan na sya. Bilib nga ako dahil nakikita nya talaga yung mag landmarks kahit gabi na. Sa unahan daw kasi sya ng jeep nakasakay. Kaya naman pala. Nung alam kong malapit na syang bumaba ay umalis na din kami sa bahay ni Jhoan para sunduin si Hazel sa babaan. Dala ang tricycle ay inabangan namin sya.

Nandito na kami sa lugar kung saan susunduin namin si Hazel. Mga 15 minutes, biglang may tumigil na jeep. May bumabang babae mula sa unahan. At hindi naman ako nagkamali, su Hazel nga yung bumaba. Naloka lang ako dahil naka short sya. Damn. Hindi ba nya alam na tag lamig ngayon? At nandito sya sa Rizal, sobrang lamig kaya. Pasaway talaga.

Nilapitan ko sya.

“Adik mo pa nga” tumatawa kong sabi sa kanya habang palapit kami sa tricycle.

“Ako pa ba?…” sagot lang nya.

Matapos kong ipikilala si Hazel kay Jhoan at Christian, sumakay na kami sa tricyle. At dahil naka short nga ang loka, lamig na lamig ito. Tinanong ko sya kung okay lang ba sya at tumango lang naman ito. Nung makarating kami sa bahay ni Jhoan ay nag inuman na ulit kami. Ayaw kasing kumain ni Hazel, tapos na daw sya kaya diretso inuman na kami. Habang umiinom, naisip ko, imba talaga tong babaeng to. Ang layo nitong sa amin para puntahan nya. Natuwa naman ako dahil yung strange feeling ko kahapon nung mag meet up kami ay nawala dahil sa pagdating nya dito.

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon