Chapter 14
Hazel’s POV
As usual nagising ako 10mins before 8am. Puyat na naman ako kakaisip kay Krista. Kung bakit naman kasi sinabi sabi ko pa yung totoong nararamdaman ko. Parang nagsisi ako bigla. Hindi kaya mas maguluhan lang kaming parehas?
Malinaw naman na mahal ko siya. At malinaw din sa akin na hanggang magkaibigan lang kami. Ayoko ng mas humigit pa kami dun. Ayoko! Dahil ayokong mauwi kami sa wala.
“Goodmorning Insan.” Agad kong tinawagan si Krista pagkatapos kong makita yung text niya. Well siya naman talaga ang unang tinetext o tinatawagan ko pagmulat ng mata ko.
Para bang automatic na yung siya agad yung kakausapin ko, o itetext agad agad. Friends? Oo aminado naman akong weird yun sa dalawang magkaibigan.
Haaaaaay ano ba yan ang aga aga pa, kung ano ano agad ang iniisip ko. Tsk.
“Hello GOODMORNING.” Hyper na sagot sa kin ni Krista. Parang walang nangyari ah! Parang walang aminan. Well uso naman sa aming dalawa to. We seldom have serious talks, pero madalas nauuwi sa kalokohan at puro gaguhan lang. Siguro yun na yung nagiging defense mechanism namin, para itago or ibalewala naming yung nararamdaman naming para sa isa’t isa.
Things work out well. Ilang araw na din ang lumipas, masasabi kong “Back to normal” na kaming dalawa. Yung ramdam kong hindi na kami naiilang sa kung ano man yung nararamdaman namin.
Kahit na hindi naming pagusapan, alam ko namang nagkakaintindihan na kami.
Pwede ako ngayon
Kahit na ano pa man yang
Dahilan ng iyong lungkot
Oras lang mabibigay ko
Busy busyhan ang drama ko dito sa office ng biglang nagplay yung kantang yan. Isa sa favorite kong kanta. Pwede Ako by Gracenote.
Oh diba talagang nagendorse pa ko ng kanta. Haha. Maganda kasi talaga yung song. Masasabi kong relate ako sa kanta.
Isang gabing walang saysay
Mahamog na sa may labas
Giniginaw ka kahit na may kayakap
Unan na basa na ng luha
Tadhana ang nakaaway
Walang kalaban laban
Naghahanap ka ng karamay
Pwede ako ngayon
Kahit na ano pa man yang
Dahilan ng iyong lungkot
Oras lang mabibigay ko
Pwede ako ngayon
Kahit na saan magtungo
Umulan man bumagyo
Yakap ko’y iyong silong
Kasama mo ko magdamag
Kwentuhan tayo ng tapat