Dear you... Chapter 12

380 12 4
                                    

Chapter 12

 

Hazel’s POV

 

Ako na mismo ang bumasag sa katahimikan na naganap dahil sa tanong ni Velvet. Dahil mukang wala din namang maisasagot si Krista.

“Wala.” Maikling sagot ko. Parang mas nahilo at tinamaan ako sa tanong niya kesa sa iniinom naming! Hay nako talaga tong si Velvet kung makapagtanong naman! Tsk.

“Magaminan na kasi kayong dalawa! De-deny pa kasi eh. Hahaha.” Dugtong na pangaasar niya.

Si Rine naman ay pangiti ngiti lang sa isang tabi. Hindi ko alam kung may gusto din siyang itanong o sadyang nangaasar lang din siya. Tsk. Eh sa tama naman yung sagot ko. Wala naman talagang namamagitan sa amin ni Krista. Kung meron man, I guess hindi naman dapat naming itago yun.

Sh*t bakit ko ba naisip yun. Eh wala naman talaga! Haaaaay ano ba tong nararamdaman ko. Ayoko ng ganito.

“Ang adik mo talaga Velvet. Wala naman talagang meron sa min ni insan, kaya wala kaming aaminin.” Biglang sabat ni insan. Akala ko hindi na talaga siya magsasalita eh. Tsk.

“Okay fine. Sige maglihim na kayo sa akin ngayon.” Pagtataray ni Velvet. Haha. Kainis tong babaeng to, ganyan na lang lagi yang mangasar. If I know miss na miss niya lang kami kaya siya ganyan. Hahaha.

“Ewan ko sayo! Hahaha. Baliw ka talaga Velvet. Ano ano naiisip mo eh.” Sabi ko na lang sa kanya.

Hanggang sa matapos ang inuman namin, hindi na muling inopen-up ni Velvet yung topic na yun, dahil busy siya sa pikikipagkwentuhan kay Rine. Ako naman ay nagyoyosi lang. Si insan naman ay maya’t maya na namang sumasagot ng tawag mula sa trabaho niya.

Nung matapos kaming uminom ay nagderecho uwi na din kami. Dahil nahihilo na talaga ako.

Nagtoothbrush lang ako. Nagpalit ng damit. At nahiga na. Antok na antok kasi ako. Ang aga kong nagising para sunduin sila tapos nag drive pa ko. Well hindi naman ako nagrereklamo, masaya nga ako, na kahit malayo ako, kahit na alam kong nahirapan sila sa byahe, eh pinuntahan pa din nila ako.

Ilang oras na ang nakakaraan pero hindi pa din ako makatulog. Hindi ko alam kung epekto ba to ng alak o epekto ng mga gumugulo sa isip ko.

Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko. Ano nga ba kami ni Krista? Bakit kami ganun sa isat-isa? Haaaaay. Paulit ulit kong inaalis sa isip ko ang tanong na yun. Pero paulit ulit din itong bumabalik. Waaaaaah. Nakakabaliw.

“Insan…” Kinalabit ko si Krista. Alam kong gising pa siya.

“Hmmmmm…”

 

“Ayoko neto insan…” Kahit madilim, napansin ko, unti unti niyang idinilat yung mata niya.

Akalain mo nga naman! (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon