DAHIL NAPIGILAN NI MAYOR WARD ,si Jigs halos humihigal ito sa galit habang binuhat si Zeoh na naliligo ng dugo dahil sa pag bagsak sa bakal.Halos binuhusan ng malamig na tubig si Mayor ng nakita nya hitsura ng bunso halos piniga ang puso nya sa subrang awa."Mayor ,mabuti pa dalhin nyo muna sya sa hospital! Delekado ang tama nya."
Ika ni Jigs at inabot ang dalaga sa kamay ng Mayor at agad naman ito umalis habang inaresto n Jigs si Kiko na muntik nya mapatay.
"PO3 Habagat,hayaan mo na syang mabuhay para maparusahan dahil kung pinatay mo yan ngayon maswerte sya."
"Paano ninyo natuntun ang lugar na ito?!"
Tanong ng binata na nakatanaw sa taas kung saan sunod-sunod na sumabog ang lugar dahil nais ni Jigs na mawala ang emperno sa hukay kaya gamit ang bomba na si Kiko mismo ang nag dala sa lugar.
"Jesus! Grabe naman sino ang nag akala na isa palang kalbaryo ang nakatago s lugar na yan?!"
"Paano nyo ba nalaman ang lugar na ito?!"
"Sa Kay hepe Habagat,sinabi nya bago sya naaksidente noon nadiskure nya ang lugar na ito kaya nag hanap ng paraan ang kalaban nya para di sya makapag salita.At ang malungkot pati kapatid mo na biktima nila.
Walang imik si Jigs at binitbit ang katawan ni Kiko,at nais nyang makulong ng habang buhay na tatahimik nalang sila.
"Wala ba kayo,kasamahan sa taas?!"
"Dalawang grupo ,isa nasa pintuan at kami dito sa lagusan at mabuti nakita kayo namin."
Dahil sa kagustuhan ni Mayor Ward na madala agad ang anak sa hospital ay di nya na pinansin pa ang mga nagsiputukan at pag dating sa hospital agad na pinag tulungan si Zeoh ng mga doktor habang si Mayor Ward ay tinawagan ang asawa para maging kampanti na .Iniisip nya rin ang kalagayan ng naiwan sa lugar na kinunan nila sa anak lalo na si Jigs.Dahil kitang-kita ng mga mata nya kanina kung paano iligtas ng binata ang bunso,kita rin nya kung paano inakyat ni Jigs ang nakasarado na pintuan na puno ng bubug.
"Dad, asan si bunso!"
Halos hinihingal na tanong ng mag ina sa matandang lalaki na nakatingin sa malayo.
"Nasa (ER) pa! Dilikado ang lagay nya."
"Ano nangyari Philip, bakit ganon ang nangyari sa anak ko!"
Naiyak na ika ni Cicile, sinuntok ang dibdib ng asawa at niyakap ito para tumahan.
"Mommy,ala mo walang may gusto sa nangyari! Lalong di ginusto ni bunso."
Ika ni Mayor at biglang may nahagip ang mata nya sandali nyang iniwanan ang mag ina para habulin ang bagong dating na pasyente.
"Hepe, ano ang lagay nila?! Si (PO3) Habagat ano nangyari sa kanya?"
"Ok,naman s'ya Mayor,kaso kailangan nyang magamot at salinan ng dugo dahil sa dami ng sugat halos hinimatay ."
"Wika ng hepe na humanga sa tapang ng binata."
"Let me know,kung magising s'ya! May maga katanongan ako na na sya lang ang makakasagot."
"Tulad ng ano Mayor?!"
"Sa sister n'ya at sa nangyari sa father 'nya! Pinahanap ko ang records ng ama n'ya nalaman ko na outstanding Hepe s'ya. Bakit nagkaganon?!"
"Sa pagkakaalam ko na biktima rin ng ronsome gang ang kapatid nito at may gawa kay hepe Habagat."
"Basta pag gising n'ya, tawagin ninyo ako nasa kabila lang ang anak ko."
Bilin ng matanda at dinaanan si Kiko na pinag tutulungan din ng mga doktor, naudlot ang pag pasok nya ng nakita si Gov Alegre at napasimangot ito.
BINABASA MO ANG
HUKAY NI: BLOODYHEART
ActionZEOH WARD, anak ng Mayor na bigla nalang naglaho nang walang dahilan sa kanyang pag kawala naging usap-usapan na pulitika ang dahilan. CIDG PO3 JIGS HABAGAT, alagad ng batas interesado sa kaso at pinangako na kahit sa hukay hahanapin ang dalagang na...