CHAPTER 10:

562 21 2
                                    

 
DAHIL NASALISAHAN ni Gov.,si Jigs nag madali itong pinasakay ang anak at ang asawa sa helekopter na nag antay sa kanila at pinahatid sa Thailand ang mag mag ina nya. Pag lipad ng helekopter agad na nag madali si Gov. ,na sumakay sa sport car n'ya para maunahan balik sa kapitolyo si Mayor .Alam nyang mag hihinala ang kumpadre nya kung mawala sya sa oras na nawala si Kiko sa hospital.

"Mayor saan po tayo pupunta?!"

"May sisilipin lang ako sa Kapitulyo,ayaw ko sa kutob lang! Gusto kung ibedensya na sya nga.

"Ang alin?! Sino Mayor?!"

Wala nang maraming salita pa ang matanda nag madali ito.Ngunit dahil mas wise si Gov., kaysa sa kanya bago pa man dumating ang Mayor ay kampante nang nakaupo si Gov.,bago dumating si Mayor.

"Mayor napadalaw ka?!Mukhang importante ang sadya mo?!"

"Nawala kasi ang anak mo sa hospital alam kung may kinalaman ka dito Gov. "

"Aba'y, mayor mahirap mag bintang ng bagay na wala ang ibedensya."

Kampanting ika ng gobernador na tila bang walang nag yayari,di apektado sa pagkawala ng anak.

"Di paba sapat na idedensya na kaya mo s'ya tinago sa publiko noong nag umpisa ka sa pulitika,dahil sa isa syang adict at drug pusher na nakakasira ng image mo.Lalo na ngayon dahil muling mag eleksyon."

"Alam mo bang maari kitang kakasuhan sa ginagawa mong pang bibintang sa akin Mayor! "

Patay malisya na pag tatangol ni Gov , sa sarili sa harap ng mayor.

"Wag ko lang mapatunayan na ikaw nga ang lalaking naka maskara na pumasok sa kwarto ng bunso ko at may balak na patayin sya."

Ika ni Mayor at tinalikuran ang lalaking nakatulala dahil nakalimutan nya na may cctv ang hospital ,kaya agad nya tinawagan ang mga kakutsaba nyang tauhan sa hospital na kunin ang ebedensya.

"Gov,may kumuha na daw ng copy sigurado ang kampo ni Mayor yun."

"Ano! Tanga ka pa sa ahas! Bakit mo di sinigurado alam mo naman na dilikad0 yun!"

Dahil sa nakaramdam ng tagilid si Gov .,ilang araw lang ang inantay nya agad din s'ya umalis sinundan ang mag ina nya sa Thailand.

"Gov.,paano ang pangangampanya mo?kung aalis ka malapit na yun.


"Darating ako, importante lang ang lalakarin ko."

Di na nag papigil pa ang matandan dahil nais nya munang palamigin ang setwasyon,Samantala lalong nagalit si Jigs, dahil sa pagkatakas ni Kiko at pagkamatay ng tatlo nyang kasama wala s'yang ibang pinag bibintangan na gumawa ng bagay na yun kundi ang ama ni Kiko.

"Den,bakit parang maingay sa labas?!"

"Doon sa kwarto ni Miss Ward kuya! At ang mommy nito umiiyak ganon din si Mayor!"

Di nag nag dalawang isip si Jigs,agad ito lumabas at pinanood si Zeoh,mula sa salamin na cristal at tila kinakausap nya ang dalaga na tila bang naririnig sya nito.

"Ganyan Zeoh,lumaban ka! Alam kong matapang ka !Wag mong hayaan na mawala ang pinag hirapan ko at pinag hirapan mo rin! Alam kung di biro ang pinag daanan mo sa kamay ni Kiko.Kailangan kita para makamit mo ang hustisya."

Pagsusumamo ng binata habang nakadikit ang kamay sa salamin na bintana ng biglang huminga ng malalim ang mga doktor at bumalik ang normal na hininga dalaga.

"Mrs Ward,huminahon po kayo. Ok na po s'ya kailangan nya lang ang pahinga napaka tapang nyang para malagpasan nya ang kamatayan."

Di akalain ni Cicile na buhay ang bunso n'ya at lalo syang napaiyak dahil sa katapangan ng anak. Samantala si Kiko nagulat sa paligid n'ya hindi ordenaryo sa kanya ang araw ng pag gising n'ya dahil nakita nya ang pamilya nya na nasa tabi nya lalo na ang ama. Sanay syang lagi ang ina naroon para sa kanya.

HUKAY NI: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon