Mula sa pinag tanguan ng dalawa tatlong sakay sila pauwi,sa kanilang lugar dahil talagang gusto nilang maka balik ay lakas loob silang nag lakad na walang takot."Jigs?! May check point sa dulo!"
"Nakita ko,umalisto ka!mga tauhan ni Gov ang umaakyat sa bus."
"Hah?!baka makilala tayo."
"Wag kang mag pahalata!malalgpasan natin ito."
Tiwala si Zeoh kay Jigs kaya naging kampante s'ya na malalagpasan nila ang problema na kakaharapin nila.
"Sino kaya ang hinahanap ng mga iyan!nakakaistorbo na sila."
Halos pare-pareho na reklamo ng mga tao na nakasakay sa bus. Dahil sa subrang abala sa pupuntahan nila.
"Miss Pwede mo bang tanggalin ang sumbrero mo?!"
Utos ni Juan na bigla syang kinabahan dahil makikilala sya,bigla nyang naramdaman napinisil ni Jigs ang kamay nya kaya dahan-dah n'yang tinanggal ang sumbrero ng biglang tumayo si Jigs at inagaw ang baril sa tauhan ni Gov.,
"Paki bukas ng pinto manong! Pasinsya na po kayo,kami lang ang kailangan ng mga gago na yan."
Galit na hinila ni Jigs ang kanang kamay na tauhan ni Kiko at ng pag baba nila sa loob ng bus, nakita nila na nakatutuk lahat na baril ng tauhan ni Gov., sa kanila kaya nagtago si Zeoh,sa likod ng binata.
"Isang maling kilos nyo lang,dadalhin ninyo ang kaibigan n'yo sa harap ni Gov. ,na bangkay na."
"Huwag kayo magpaputok!!hayaan n'yo sila na makatakas!"
Sigaw ni Juan na nanginginig dahil alam nyang di nag bibiro si Jigs .Nag dadalawang isip ang mga kasamahan ni Juan sa mgasalita ni Jigs kaya di nila binaba ang baril .
"Zeoh,marunong kaba mag drive?!"
Walang sagot ang dalaga at agad nya kinuha ng isang sasakyan na may naka kabit na susi.
"Jigs,sakay na!dalhin mo na ang lalaking yan pambala sa kanyon.
Agad na sumakay si Jigs at tinali si Juan sa likod ng sasakyan at pinahila ito bagay na nagulat ang mga kasamahan nito. Sa gusto nilang tulungan si Juan ay sinundan nila ang sasakyan.
"Jigs,paano yan may nakasunod!Ako bahala deretso mo lang."
Agad na tumayo si Jigs at pinaulanan ng bala ang mga tauhan ni Gov.,isa-isa itong naiwan sa gitna ng daan .
"Distansya pa Zeoh?!"
Sigaw ni Jigs,at agad na inapakan ng dalaga ang gasolinador ng sasakyan para bumilis ang takbo .Habang nakikipag away sa daan ang dalawa nakikipag away din si Mayor para matapos na ang kasamaan ng mag ama.
"Gov.,maitanong ko lang gaano ba kalaki ang kasalanan ko ?pati pamilya ko dinamay mo."
"Seguro tama si Kiko, malaking bobo ako! Dahil hinayaan kitang babanggain mo ako sa nalalapit na halalan."
"Napaka babaw na dahilan Gov.,!nagawa mong ipahamak ang mga taong inosente dahil lang sa kakalababib kita?!"
Di makapaniwala si Mayor Ward, sa narinig dahil sa tanan ng buhay nya, na nakaupo sa goberno ngayon lang sya nagkaroon ng kaaway at nadamyvpati pamilya nya.
"Ano mayor,naduwag kaba?!"
Walang mayor na sumagot sa galit na galit na Governor ,kahit na mga tauhan ni Mayor ay nawala sa lugar di nya alam kung bakit .
"Nasaan na sila?!"
"Gov.,umatras!wala atang balak makipaglaban sayo si Mayor sayo ng dahas Gov.,mukhang relax s'ya."
BINABASA MO ANG
HUKAY NI: BLOODYHEART
ActionZEOH WARD, anak ng Mayor na bigla nalang naglaho nang walang dahilan sa kanyang pag kawala naging usap-usapan na pulitika ang dahilan. CIDG PO3 JIGS HABAGAT, alagad ng batas interesado sa kaso at pinangako na kahit sa hukay hahanapin ang dalagang na...