CHAPTER 12:

521 21 0
                                    

 

Dahil ayaw mag pahuli ni Jigs sa mga tauhan ni Gov.,isa lang ang naging desisyon nya.

"Zeoh,maghawak ka ng mahigpit."

"Bakit??!"

"Kalaban sila, mga tauhan sila ni ni Gov., di nila tayo titigilan"

Agad na sununod sa sinabi ni Jigs si Zeoh, dahil kinukutuban din sya nang masama.

"Kahit anong maangyari kumapit kalang,kung kinakailangan na barilin sila gawin natin para makaligtas sa mga kamay nila."

Wala na rin sinasanto ang dalaga ,sa hangarin na mabalik sa dati ang buhay n'ya ,kaya nakikipag tulungan sya sa binata alam nyang makakatulong sa kanya si Jigs.

"Mga pare ,parang walang balak huminto ang parating na sasakyan!"

Dahil marami ang nakabantay,nag hanap ng paraan si Jigs,para maka kaligtas.Inabot nya ang bakal na nasalikuran nya at pinatong sa gasolinador, para tuloy-tuloy ang takbo ng sasakyan.

"Zeoh,bibilang ako ng tatlo tumalon ka!"

"Hhhahhh! Bakit?!"

"Basta sumunod ka nalang kung ayaw mong malibing muli sa hukay na buhay."

Di na umimik pa ang dalaga agad na tumalon kasabay ni Jigs habang tuloy ang takbo ng sasakyan ng biglang binumba ng mga kalaban dahil ang akala ay nasa loob pa ang dalawa. Dahil sa pag sabog ng sasakyan ay malademonyo ang tawa ng mga tauhan ni Gov., dahil akala nila wala na ang dalawa.Samantal biglang napahinto ang dalawa ng ng narinig nila an malakas na pag sabog at ang pag itim ng usok mula sa nasusunog na sasakyan.

"Good bye (PO3), pinahirapan mo pa kami!"

Dahil sa nakita ng mga tauhan ni Gov.,agad nila kinunan ng video ang nasusunod na sasakayan ng dalawa at pinakita sa matanda bagay na natuwa ito sa unang pagkakatao.Samantala maingat ma binaybay ng dalawa ang daan sa gubat para makaiwas sa mga tauhan ni Gov.,na matigas na binantayan hanggat sa maubos sunog ang sasakya.

"Teka lang! Nawala ang kwentas ko !"

Ika ni Zeoh at napangiti si Jigs dahil alam nyang nalaglag ito kanina pag talon ng dalaga.

"Bakit?!"

"dahil sa kwentas na yun,maniwala silang patay na nga tayo! Dahil sa ebedensya na naiwan. Kahit na di matibay pero may clue sila."

"Pero pakiramdam ko mahalaga sa akin yun!"

"Masmahalaga ang kaligtasan mo! Kaya kang bigyang ng daddy mo ng maraming kwenta. Hayaan mo na yun."

Nagpatuloy sa pag lakad ang dalawa hanggat sa marating nila ang kalagitnaan ng gubat na wala kahit anong palatandaan na may nakatira sa lugar na iyon. Naging silbing ilaw nila ang liwanag ng buwan ngunit tila pati ito ay di nakikiayon sa kanila dahil biglang nilamon ng maitim na ulap ang kanina lang maliwanag na buwan.

"Ano nagyari?!"

"Tila bang iiyak ang langit! Kaya nagagalit."

"Ano,saan tayo sisilong! Walang kahit na anong pwede masilungan dito."

Ika ni Zeoh ng biglang hinila s'ya ng binata dahil malakas na bumuhos ang ulan.Halos lakad takbo ang ginawa nila para makahanap ng tuyong lugar.

"Hooohh!,grabe tinaon talagang nasa gitna tayo ng gubat naito."

Walang imik ang dalaga na nakaupo sa gilid ng kweba,at nanginginig sa subrang lamig ng tubig ulan.

"Hubarin mo muna ang blouse mo habang nag mag aapoy ako, baka mapulmunya ka."

"Ano?! Saharapan mo mag huhubad ako?!"

Ika ng dalaga at napataas ang boses nag biglang ngumiti at kumindat ang binata na kinainis nito.

HUKAY NI: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon