CHAPTER 17:

533 22 0
                                    

   

Kapwa nagulat ang tatlo ng narinig nila ang putok at laking gulat ni Gov ng nakita nya si Jigs na palapit sa kanila.

"Segi Gov.,patayin ninyo si Zeoh,para narin pinatay mo ang sarili mo!"

Sigaw ni Cicile na binantayan ni Jigs.Wala ng pakialam ang ina ni Zeoh sa kahinatnan ng pag punta n'ya ang mahalaga malaman ng mag ama na kadugo nila si Zeoh.

"Mommy?!"

"Enough na Zeoh,ayaw ko na dungisan mo ang kamay mo sa walang kwentang tao."

"Mommy,parang awa mo na,umalis na kayo dito! Balian mo na si Daddy!"

Pakiusap ng dalaga at di pinakingan ni Cicile lumapit ito kay Gov.,at kinausap.

"Governor,naalala mo ba ang babaeng iniwan mo sa kapatid mo na muntik nang maging dahilan ng hiwalayan naming mag asawa?naalala mo ba ang babaeng nag mamakaawa sayo na kahit sa anak mo nalang sustentuhan mo sila? "

"Anong kinalaman ni Vivian dito?!"

"Malaki!dahil ang babae na sa harapan mo,si Zeoh Ward ay anak ninyo ni Vivian!samakatuwid dugo at laman mo si Zeoh,na kapatid ni Kiko at Gino!"

Pakiramdam ni Gov.,huminto ang galaw ng mundo sa katutuhanan na ibinunyag ni Cicile,napatunayan nya na kung bakit unang kita nya sa dalaga ay kakaiba ang naramdaman n'ya.

"Daddy,hindi totoo yan!"

Wika ni Kiko at sunod-sunod na nag patabla ng putok at tinulak ang dalaga na bumagsak ito sa sahig agad na tinulugan ni Cicile ang anak na at niyakap ito.Sa galit ni Kiko,nakita nyang nakatalikod si Cicile pina putukan nya ito,na kitang-kita ni Zeoh kaya tinulak nya ang ina at sa kanya tumama ang bala na kinagulat ng lahat na naroon.

"Kiko.....!!,anong ginawa mo!!"

sigaw ni Gov.,inagaw ang baril sa anak na natulala habang pinanood si Zeoh na nag hihingalo.Di nya alam kung damputin nya ba ang anak oh,hayaan si Kiko.

"Huwag anak! Wag mong iwan si mommy!"

Dahil hinahabol na ni Zeoh ang hinga agad na pinabuhat ni Cicile ang anak at sya mismo nag dala sa hospital. Samantala di ma nakipag laban si Gov., hinayaan n'yang pusasan sya ni Jigs,dahil gulong-gulo ang isip nya si Kiko naman nakipag barilan sa kasamahn ni Jigs ngunit di rin nakalayo na huli nila dahil wala ng madadaanan pa.

"Dalhin ninyo sa presento ang mag ama na ito susunod ako!"

Nag madali na sumunod si Jigs sa hospital kung saan dinala si Zeoh. Halos pinalipad ang motor sa pag mamadali na maabutan ang dalaga kabadong -kabado sya dahil sa nakita nyang tama sa dalaga.

"Ma'm Cicile,musta na po s'ya?!'"

"Iwan ko Jigs,wala pang doktor na lumalabas simula ng ipasok si Zeoh,sa (OR)."

"God!kung alam ko lang na ganon ang gagawin n'ya sana di ko na hinayan na pumunta s'ya dito!"

"Jigs,ayaw ko na malamn ng Asawa ko ang mangyari kay bunso!tiyak mag alala yun."

"Makakaasa po kayo! Babalik nalang ako mamaya,kailangan ko kasi puntahan si Gov. ,at Kiko!"

Galit na ika ng binata at labis nag alala para sa dalaga.

"Tatawaga kita pag ok na sya."

Halos di maipinta ang mukha ni Jigs ng dumating s'ya sa presento kung saan dinala ang mag ama walang kibo sya na pumasok sa silda at nakipag bugbugan sa dalawa,hanggat sa nakita nyang lumuhod na ang mag ama na duguan.

"PO3 Habagat tama na!tingnan mo oh,binalatan mo ng husto."

"Kulang pa yan sir!dapat sa mga yan,lubusan nang magpahinga."

HUKAY NI: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon