Nakatayo si Zoey sa teresa na kanugnog ng kanyang kwarto. Pinagmamasdan ang mga taong nag aayos para sa kasiyahan mamayang gabi. She inhaled to the fullest and slowly released her breathe.
She felt excited and saddened at the same time.
Lumingon siya sa loob ng kanyang kwarto ng makarinig ng mga katok. Pumasok siya at marahang lumapit sa pinto upang mapagsino ang kumakatok. Pagbukas niya ay nabungaran niya ang kanyang event planner.
"Miss Zoey, pasensya na kung naistorbo kita.", nahihiyang saad ni Miss Abi.
Ngumiti si Zoey sa kausap at umiling. "No, its okay. May problema ba?"
"May konting pagbabago sa ayos ng venue. Kaya nilipat namin ang platform kung saan magsisilbi mong stage para mamaya", paliwanag nito.
"Ahh yun lang ba? Ok lang yun Miss Abi. Ang importante ho matapos ng maayos ang party."
"Salamat. I just wanted to let you know para di ka maguluhan mamaya paglabas mo."
Nakangiti namang tumango si Zoey at nagpasalamat.
"By the way", sabi ulit ni Miss Abi, at tumingin sa wristwatch. "Your make-up artist will arrive anytime soon so just prepare yourself and take time to rest a little more. Kasi panigurado mamaya hindi ka na magkamayaw sa pag asikaso sa mga bisita mo."
"Thanks Miss Abi. I will.", nakatangong sagot ni Zoey.
.........
(Zoey Eris Carmouche de Madrid's attire for her 18th birthday)
Pinagmamasdan ni Zoey ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Di lubos akalain na nasa legal na edad na siya. Pwede nang pumasok sa kahit saang bar na hindi binabawalan dahil sa menor-de-edad pa siya. Mabuti na lang at nagmamay-ari ng bar ang kuya ni Anary kaya naman dun palagi ang punta nila kung nagkakayayaan silang tatlong magkakaibigan.
Narinig niyang may kumatok kasabay ng pagbukas ng pinto. Masayang bumungad doon ang kanyang ama.
(Ernest de Madrid)
"Hi baby",nakangiting bungad ng ama kay Zoey.
Humarap naman si Zoey sa ama at matamis na ngumiti. Tumayo siya at lumapit sa ama para bigyan ito ng yakap na mahigpit.
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)
General Fictionnot just your any ordinary story. Si Zoey at si Shinrei. Magkasintahang pinaghiwalay ng tadhana. Ipinagpatuloy abutin ang pangarap ng magkalayo sa bawat isa. Galit si Zoey kay Shinrei at hindi na ninais pang bumalik ng Pilipinas. Pero dahil sa kasal...