Undying Love: Chapter Five

7.3K 192 4
                                    

Madilim ang mukhang naglakad si Shinrei palapit sa dalaga na ikinalingon naman ni Zoey sa kanya.
Nagsibabaan din sa sasakyan ang mga kaibigan niya.

"Babe!", gulat na bigkas ni Zoey.

Hinaklit ni Shinrei ang braso ni Zoey palapit sa kanya na halos ikasubsob naman ng dalaga sa dibdib niya. "Ba't ngayon ka lang?!", nanggigigil niyang tanong sa dalaga.

"Aray! Ano ba babe..."

"Uminom ka?!"

"K-konti lng..", nauutal na sagot ni Zoey at tiningala ang binata.

"Do you even know what time is it?!", nagtatagis ang bagang na angil ni Shinrei. At wala sa loob na napadiin pa lalo ang pagkakahawak niya sa mga braso ni Zoey. Tila walang pakialam kung magkapasa man ang dalaga.

Zoey winced in pain but didn't utter her protest. Natatakot siya sa galit na anyo ng nobyo. At naamoy din niya ang alak sa hininga nito. Minsan lang ito magalit pero alam niyang masama ito magalit. Kaya nanatili na lang siyang tahimik.

"Let her go Shinrei", banayad na sabad ni Anary sa nobyo ng kaibigan.

Shinrei just give her a dagger look. "Go home you two. Bago ko pa makalimutang kaibigan kayo ni Zoey."

Nagsitikwasan ang mga kilay nila Anary at Skylar.

"Oh no!", nasa isip ni Zoey. Paniguradong magbabangayan na naman ang tatlong ito. Mabibilang lang sa kanyang mga daliri sa kamay ang pagkakataong nagkasundo ang mga ito. Pare-pareho kasing mga asar-talo kaya naman kung magkita kita sila'y daig pa nila ang mga aso't pusa.

"What did you just say?!", nakapameywang na angal ni Anary.

"I said,go home!", pabalewala namang sabi ni Shinrei at iwinagwag pa ang kamay na parang nagpapalayas ng aso sa kalsada.

"How dare you!", mataray namang sagot ni Skylar.

"Hey guys!", agaw pansin naman ng kabababang lalaki sa driver seat ng kotse ni Anary. "May problema ba?"

"Deep trouble!!", nasa isip ulit ni Zoey at napapikit ng mariin habang hinihilot ang sintido gamit ang kamay na hindi nahahawakan ni Shinrei.

Nagsalubong naman ang kilay ni Shinrei pagkakita sa lalaki. "And who the hell are you?!"

"Oh...Ian Alcan pare", patangong sagot naman ng lalaki.

Nilipat ni Shinrei ang tingin nito kay Zoey. "You went to the bar with a guy?!", he hissed.

Sasagot na sana si Zoey ng maunahan siya ni Skylar.

"Dont be too OA Shinrei. He's my date and not Zoey's!", irap ni Skylar sa binata.

Shinrei glared to Skylar but she just shrugged her shoulders.

"Uhm...beshies...ok na. You can go.", baling na lang ni Zoey sa mga kaibigan.

Pinakatitigan muna ng matalim ng dalawa niyang kaibigan ang kanyang nobyo bago lumipat ang tingin sa kanya at tumango ang mga ito.

"See you tomorrow besh!", maarte namang saad ni Anary. Lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Ganun din si Skylar.

"Tomorrow my ass!", bulong ni Shinrei pero narinig pa rin nila ito.

"Antipatiko!", bwiset na saad ni Skylar. "Pasalamat ka mas matangkad ka sakin! Sarap mong tirisin! Damulag!", naiinis pang dagdag nito.

Inirapan nila ang binata at walang lingong likod na sumakay sa kotse.

Kibit balikat namang kumaway si Ian kay Zoey na ikinatango lang ng dalaga at sumakay na rin sa kotse at pinaandar ito.

Nang makalayo na ang sasakyan ay saka naman hinarap ni Zoey ang binata.

"You should go home too.", sabi ni Zoey sa binata.

Matiim naman siyang tinitigan ni Shinrei. "Nah. Let's talk."

"Can we just talk tomorrow babe? Im sleepy and tired already."

Napabuntong hininga naman si Shinrei. "Who gave you the permission to go out?"

"Myself.", naiirita namang sagot ni Zoey. "Look, if you're picking a fight..save it! Im not in the mood. We might just end up getting more pissed."

But Shinrei is already pissed as of the moment. Idagdag pang nakainom siya. Hinawakan niya ulit sa braso ang dalaga at iniharap sa kanya ng akma siya nitong tatalikuran.

"Babe ano ba!", angil ulit ni Zoey.

"Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa tong galit?", taas kilay na saad ni Shinrei.

"What?! Me?!", sabay turo ni Zoey sa sarili. "Wow babe...just wow!"

At marahas niyang binawi ang brasong hawak ni Shinrei.
"Go home Fortalejo. You're being unreasonable again."

Agad na tinalikuran ni Zoey ang binata at sakto namang bumukas ang gate ng bahay at dumungaw ang kanilang guard. Marahil ay narinig nito na dumating na siya. Agad agad na siyang pumasok ng kanilang bahay.

Salubong naman ang kilay at nag iinit ang ulong tinitigan ni Shinrei ang papalayong kasintahan. Napatingala siya sa langit at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sinapo niya ang batok at naglakad na lang siya pabalik ng kanyang sasakyan at umalis.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon