"Hey!", masayang bati ni Cady kay Anary at Skylar ng hapong yun. Tinawagan siya ng dalawa para makipagkita sa mga ito sa isang coffee shop."Hi.", ngiting bati naman ng dalawa.
"Anong meron? May problema ba sa napag-usapan natin about the wedding last time?", tanong agad ni Cady. Kinuha kasi nilang wedding planners ang dalawa since yun ang business ng magkaibigan.
"No! No! W-wala naman", agap ni Skylar.
"Then why?", kunot noong tanong nu Cady.
"Cady, are you happy?", usisa ni Anary.
"What do you mean?"
"Are you happy kasi ikakasal kayo ni Shinrei? Na kahit alam mong hindi ka niya mahal tutuloy ka pa rin?"
"Wait. Saan patungo tong pag-uusap na to", di mapigilang magtaray ni Cady.
"Hindi ka ba gumagamit ng sns lately?", tanong ni Skylar. Marahang sinipa ang paa ni Anary dahil naramdamang papatulan ng kaibigan ang pagtataray ni Cady.
"No. I-im busy."
"Busy saan? Kay Shinrei?", taas ang isang kilay ni Anary.
"Ano ba ang pinupunto mo Anary?"
Anary tsked. Kinalikot ang cellphone saka ipinasa kay Cady.
Tahimik namang pinanood ni Cady ang clip.
"So dahil lang dito nagkakaganyan na kayo?", saad ni Cady saka binalik ang cellphone kay Anary.
"Ganyan ka ba ka-insensitive?", napipikang tanong ni Anary.
"Beshy...", putol naman ni Skylar.
"So what do you want me to do? Umatras sa kasal?", taas noong tanong ni Cady.
"Matanda ka na. Alam mo ang tama at mali. Alam mo kung saan ka lang dapat lulugar.", sambit ni Anary. "Alam kong nasabi namin dati sayo that we wont judge you. It is because walang pregnant issue involve. Pero ngayon na confirmation na lang ang kulang. I think we should do the right thing. After all we are all friends here."
"You know? Napakacontradicting mo. You think based on how you talk to me right now, kaibigan ang turing mo sa akin?", mata ni Cady kay Anary. Skylar is starting to feel uneasy too. "Ikaw na rin nagsabi, hindi pa confirm. Napag-usapan na rin namin ni Shinrei ang bagay na yan. So stop nagging me. I have to go. Marami pa akong gagawin.", maagap pa nitong sabi at agad tinalikuran ang dalawa.
........
"Honey! Ano bang nangyayari sayo?", nag-aalalang tanong ni MariDel sa anak.
Tatlong araw ng hindi nila ito nakakausap ng matino. Tatlong araw mula ng mabasa ang annulment papers na pirmado na ni Shinrei. Pirma na lang ni Zoey and presto uusad na ang kaso.
"Hindi ka na naman daw kumain ng tanghalian sabi ni Jam.", saad ni MariDel sa anak na nakahiga sa kama patalikod sa kanya.
"Leave me alone mom.", mahinang utos ni Zoey.
"Zoey..please wag mo namang pahirapan ang sarili mo. Isipin mo ang magiging baby mo.", masuyong sambit ni MariDel na umupo saka hinaplos ang likod ng anak.
Impit na napahagulhol naman si Zoey dahil dito.
"Magdadala ako ng pagkain dito. Kumain ka okay?"
Tumango na lang si Zoey sa ina.
Hindi na naman niya maampat ang kanyang mga luha. Ang sakit-sakit!
Ganito din kaya ang naramdaman ni Shinrei noon?
Kaya ibinabalik nito ang sakit?
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)
General Fictionnot just your any ordinary story. Si Zoey at si Shinrei. Magkasintahang pinaghiwalay ng tadhana. Ipinagpatuloy abutin ang pangarap ng magkalayo sa bawat isa. Galit si Zoey kay Shinrei at hindi na ninais pang bumalik ng Pilipinas. Pero dahil sa kasal...